HUMILIATED HALOS mapatalon ako sa kama nang marealize kong nakaidlip pala ako. Agad na tinakbo ko ang distansya ng walk in closet at isang simpleng bestida na kulay puti ang agad kong kinuha mula sa dresser. Tinapik-tapik ko pa ang aking pisngi dahil para akong lumulutang. Mabilis rin na nagpahid ako ng concealer sa ilalim ng aking mga mata para hindi mahalata ang pamamaga ng mga ito. Piinasadahan ko lang din ng suklay ang buhok ko at hinayaang lumugay sa aking balikat. Paglabas ko ng kwarto ay napansin ko ang nakabukas ng pintuan sa room ni Gavin. Sinilip ko ang loob at nasumpungan ko ang aking anak na mahimbing nang nakatulog. Nakapajamas na rin ito at naamoy ko pa ang shower gel nito sa kanyang balat. I kissed his forehead before I left the room quietly. Nasa sa sala pala

