STUBBORN I SIGHED as I rested my cheek on his chest. Malalim na ang tulog ni James. Payapa na rin ang kanyang paghinga. Ako naman ay kanina pa nakatingin sa kisame. Hindi ako dalawin ng antok. Kahit bagsak na ang katawan ko sa pagod dahil tatlong beses niya akong inangkin ngayong gabi ay hindi ko pa rin magawang matulog. Inangat ko ang aking kamay at pinakatitigan ang daliring may singsing. Kumikislap ang brilyanteng bato sa gitna ng dilim. Kahit hindi man naging maayos ang umpisa ng gabi ko ay naging masaya naman ako nang matapos ito. Finally, I am engaged to him. For the first time, naranasan ko ring maramdaman ang ganito. Na para bang isang hakbang na lang ay maabot ko na ang tunay kong kaligayahan. At iyon ay ang maging isang Mrs. Sandoval. I want him to be officially mine kahit pa il

