"KUYA DAREN." Sabay tapik sa balikat ni Zeke nang dumating siya sa bahay. Nakadikwatro siya ng umupo siya sa sofa. Halata sa itsura ang puyat kahit natatakpan ito ng make up dahil galing ito sa taping niya. Kagabi kasi ay bigla niya akong tinawagan dahil may gusto raw niya akong makausap. "Nagpaluto ako ng almusal kay Aling Selma dito ka na kumain." Tumango si Zeke. "Thank you." "Tumingin ako sa kanya. "Anong dahilan bakit bigla-biglang gusto mo akong makausap?" Tumingin siya sa'kin. "Kuya Daren, I'm in love with your sister." seryoso ang mukha ni Zeke habang sinasabi niya iyon. Bagamat alam kong mangyayari ang bagay na ito. Natigilan pa rin ako. Parang kailan lang kasi maliit pa si Dhalia at iyakin pero ngayon dalaga na siya at may manliligaw na. "Kuya, magpapaalam ako sa'yo na l

