CHAPTER 57

2210 Words

"Sheymie! Yuhooo! Lumabas ka na diyan." sabay halakhak ni James. Nanginginig ako sa takot habang nakatago ako sa ilalim ng lamesa. Tinakpan ko ang bibig ko upang mapigilan ko huwag sumigaw. "Bulaga!" Sumigaw ako sa takot. Humalakhak si James pagkatapos ay hinila ang paa ko. Sinisipa ko siya ngunit masyado siyang malakas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sina Daren at Steven na nakalupagi sa sahig at wala ng malay. Steven! Daren!" sigaw ko. Parang demonyong humalakhak si James habang tuwang-tuwa siyang nakikitang walang malay ang mag-Ama ko. Binitawan ako ni James at lumapit ako kay Daren at Steven. Niyakap ko si Steven. "Anak! Daren!" palahaw kong iyak sa kanilang lahat. "Steven! Daren!" "Ate!" Mukha ni Zeke ang bumungad sa'kin. Pawisan ako nang magising ako. "S-Si James!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD