"Huling labas mo ba ito." wika ni Daren sa'kin nang samahan niya akong mag guesting sa isang programa sa umaga. Nakaalalay siya sa'kin habang naglalakad kami sa lobby ng malaking gusali ng isang TV network. Ngumiti ako sa kanya. "Yes, last na ito, hindi na ako tatanggap ng guesting." sagot ko. "Good." sagot ni Daren. Nang makarating kami sa set ay nakita namin si Bryan at Lian. Nakangiti sa'min si Bryan pero hindi si Lian. Nakasimangot siya at pailalim na tumingin sa'kin at pang-asar na tumawa. Hindi ko na lang siya pinansin para walang gulo. Nakakapagod na rin patulan si Lian dahil kahit anong gawin kong pagpatol sa kanya ay hindi pa rin niya ako tinitigilan. Hindi ako ngumiti kay Lian bagkus ay inirapan ko siya. Minsan iniisip kong sinasadya ng mga host sa isang program na pala

