Maaga palang umiinom na ako ng gatas. Pinatawag kasi ako ni Lolo at sinabihang bukas nandito na si Hayven na un! Ibig sabihin last day ko na sa pangungulit kay Kai. Pag kaya tumigil ako at lumayo na ko, mamimiss nya kaya ako? Pag kaya hindi na ko nagpakita, hahanapin nya kaya ako? Yan ang mga tanong na tumatakbo sa isipan ko. Pinipigilan ko na nga lang maluha dahil siguro tama sya, hindi sya ipinanganak para magustuhan at mahalin ako. *sigh* Nakakapagod ang mahalin sya. Pero isusugal ko narin lahat kasi last na .. Makikilala ko na ang impakto sa buhay ko at mapapangasawa ko sa madaling panahon. Oo, madaling panahon! Dahil sisiguraduhin kong susuko sya sakin! Sana lang ung panahon na mag asawa kami, mahal ko pa si Kai. Para pag nakipaghiwalay ako, babalikan ko sya't magpupursigi ulit ak

