Bumangon ako ng maaga at naligo na, magaayos na sana ako ng gamit ng paglabas ko ng CR .. Handa na lahat. "Ma? Ikaw ba naghanda nito?" Tanong ko kay Mama na papalabas na sana ng kwarto ko. Ngumiti sya "Oo kuya. Kumain ka na sa baba" sagot nya. "Ma, hindi mo naman kailangang gawin iyon eh. Kaya ko naman" sabi ko. Bigla nya akong niyakap sa bewang. "Ma! Basa pa ko" "Alam mo Kuya, responsibilidad ko ang alagaan at pagsilbihan kayo dahil anak ko kayo. Mas magandang mayroon na kayong sariling pamilya bago namin kayo iwan para masabi nyong hindi kami sa inyo nagkulang." At may isang babaeng pumasok sa isip ko. Naalala ko na naman sya. Hinaplos ko ang likod ni Mama. "Ang swerte ko sa inyo Ma. At sana kagaya mo ang maging asawa ko" sagot ko Ngumiti sya at umiling. "Wag tulad ko ang pang

