"Anong plano mong gawin?" tanong sa akin ni Marcus. Kasalukuyan kaming nandito sa bar umiinom. Bigla kasing gumulo ang isip ko dahil sa pagbabalik ng babaeng 'yon. Akala ko ay wala na siyang planong bumalik pa rito sa pinas. Akala ko doon na siya mananatili sa Korea kasama ang lalaking ipinagpalit niya sa akin. "Wala akong gagawin. Bakit ba kinakabahan o natataranta kayo sa pagbabalik ng babaeng 'yon? Sino ba siya? At isa pa, kasal na ako. Wala na siyang hahabulin sa akin." Nilagok ko ang hawak kong alak kasabay ng mariin kong pagpikit. "Hindi naman sa natataranta kami, Val. Pero kilala mo naman ang ex-fiancee mo na 'yon. May pagkabaliw ang babaeng 'yon," dagdag naman ni Patrick. Tama naman siya. Baliw talaga ang babaeng 'yon. Naalala ko pa ng noong may kumausap lang sa akin na babae

