Isang linggo na ang lumipas pero mabait pa rin si Val sa akin. Nagtataka man ako sa kaniya ay hinayaan ko na lang siya. Hindi ko kasi maiwasang hindi magtaka dahil ang bilis ng pangyayari. Bigka na lang siya ang pagbait niya na para bang, wow ang galing! "Kinain mo na ba ang mga prutas na ibinili ko sa iyo?" tanong niya sa akin habang kumakain kaming dalawa. "Oo. Naubos ko na nga kaagad iyong isang piling ng saging. May nabasa kasi ako na maganda raw kumain ng saging palagi dahil titibay ang buto ni baby sa tiyan." Tumango siya kasabay ng pag-abot sa akin ng ulam. Nilagyan niya ako sa plato. Nagluto ako ngayon ng adobong baboy kung saan dinamihan ko ng patatas para sa amin ni baby. Syempre, as usal ay sarap na sarap na naman si Val. Ako pa ba? Magaling kaya akong magluto dahil tinuruan

