LEVEL 1

1615 Words
Alas otso na ng gabi at naglalakad ako pauwi mag-isa. Medyo madilim na ang dinadaan ko kaya medyo delikado rin dito. Konti lang din ang mga street lights and since malabo mata ko, hirap ako makaaninag ng mga bagay-bagay tulad na lang ng kotse na 'to. Sobrang nakakasilaw ang ilaw kaya hindi ko makita kung saan ba talaga ang direksyon nito sa buhay. Papalapit ang liwanag sa'kin at bigla akong binusinahan ng malakas. Gago 'to ah? Nasa sidewalk ako tapos babanggain ako? The stupid car stopped in front of me. No, the driver was stupid not the car. "Hoy ano ba? Hindi mo ba 'ko nakikita na na sa sidewalk ako? Lasing ka ba?!" Sigaw ko dahil sa sobrang inis at pagod. Sinipa ko 'yong kotse niya at aminado ako na nag-gasgas dahil sa takong ko na sapatos. Hindi ko alam na nakabukas pala 'yong bintana ng kotse niya. Maya-maya may lumabas na kapre — este lalaki na matangkad at naka-shades. 'Di ka ba naman timang na gabi na nagda-drive ka pa ng naka-shades. "Anong problema mo?" masungit nitong tanong nang labasin niya ako. "Anong problema ko? Bakit mo 'ko binusinahan at halos sagasaan mo 'ko? Na sa sidewalk ako ah." Tinanggal niya 'yong shades niya at may kinuha na chewing gum sa bibig at idinikit 'yon sa bag ko. Tang juice na inuming masarap! Seriously?! "Bastos ka! Bakit mo dinikitan ng bubblegum 'yan ha?! Adik ka ba?!" Pinaghahampas ko siya pero parang wala siyang nararamdaman. Aminado naman akong hindi kami magkakilala pero nakakapanginit talaga ng ulo eh. Ginasgasan ko ulit 'yong kotse niya. "Isa pang gasgas mo r'yan, lagot ka na sa'kin," he said with a calm and cold voice. Ang swabe naman ng boses na 'yon. "Bakit? Sino ka ba? Artista ka ba? Hindi ka nga kilala ng mga magulang ko." "Stupid. Ako lang naman ang anak ng may-ari ng school natin." Napakalma ako saglit nang sabihin niya 'yon. Wait! You mean... Siya 'yong... 'Yong pinagalitan ng adviser namin kanina? OMG! Anong ginagawa ko?! "Eh ikaw? Sino ka ba?" He raised his eyebrow. Sa ngayon, gusto kong magpalamon sa lupa. "Pasenya na. Akala ko kasi kung sinong tukmol 'yong gustong pumatay sa'kin eh." Bigla akong napatingin sa gasgas ng kotse niya. "Hehe..." "I'm asking, sino ka ba?" "Uhm...Uh...I'm Jasmine." "Yon lang ba ang pangalan mo?" Ang sungit naman netong bakulaw na 'to. Siya na nga 'tong muntik na 'kong patayin siya pa 'tong bossy. "Jasmine Laurette Lavien," sabi ko at saka niya binuksan 'yong pintuan ng kotse niya. "Get in," aniya. "Ha? Bakit? Eh hindi nga kita kilala eh. Kikidnapin mo ba 'ko?" "Kung kikidnapin kita edi sana 'di kita uutusang pumasok." "Sungit mo naman. Ano bang pangalan mo?" "Sakay," utos nito. Sumakay ako at hindi ko rin alam kung bakit. "Sakay pala pangalan mo. Teka–amoy alak ka ah?" Tama ba 'tong desisyon kong sumakay? Hay nako, Jasmine. Ano bang pumasok sa utak mo? Ay, wala ka pala no'n. "Pakealam mo ba?" masungit nitong sabi. "Ikaw ba sasagot ka ng maayos o sisigaw ako nang r**e dito?" "Sumigaw ka. Wala namang makakarinig eh, stupid." Pinaandar niya na 'yong sasakyan at wala akong idea kung saan kami pupunta. Sabi nga nila don't talk to strangers pero kung ganito kagwapo 'yong stranger ewan ko na lang kung 'di mo kausapin. Kinikilig ako. Charot! 'Wag gano'n, Jasmine. Mamaya papatayin ka na pala nito eh. Itigil mo 'yang kaharutan mo. "We're here. Get out," utos nito muli sa'kin at sumunod ako ro'n. Chance ko na rin 'to para tumakbo. "Saan tayo?" "Ramen Resto." Buti naman at sumagot siya ng maayos. Akala mo may red days eh, napakasungit. Pumasok na kami sa restaurant. Ang laki at mukhang mamahalin. Dumiretso kami sa counter at buti na lang hindi ako mapapagastos dito dahil hindi ako mahilig sa noodles. "Umorder ka na." "Ako?" "Hindi. 'Yong cashier." Pilosopo. Bwisit. Kung lalaki lang ako nasapak ko na 'to kanina pa eh. "Uh, eh, hindi naman ako mahilig sa noodles." He turned to the cashier." Miso Ramen please." "Okay, sir. Serve na lang po – One hundred fifty pesos po." Ang mahal naman ng noodles dito. Pancit canton nga bente lang sa'min. Kung titignan mo rin naman ang menu ang mamahal nga naman talaga ng mga pagkain. "Bayaran mo na." What the fudge? Tama ba narinig ko? "Bayaran mo na"? "Mo"? Ako magbabayad? Teka, ako ba umorder? Kakasabi ko lang hindi ako mahilig sa noodles ah. Napakunot ang noo ko. "Ha? Bakit ako?" "Bayad 'yan sa gasgas mo sa kotse ko." "Eh hindi naman ako umorder eh." "The cashier is waiting..." Tumingin ako sa cashier at nag ngitian kaming dalawa. Wala talaga akong ideya sa mga nangyayari at kung bakit ako ang magbabayad. May sira yata sa utak 'to eh. "Thanks–Oh, please, one coffee." Dagdag niya sabay gulo ng buhok ko. Umupo na siya kung saan two seats lang for one table at yumuko. Mukhang masakit ang ulo niya. Pwes, masakit din ang ulo ko dahil sa'yo. "Anong coffee po, ma'am?" tanong ng cashier. "Uhm...Brown coffee na lang." Hindi ko naman alam kung anong kape niya. Pakilagyan na rin po ng lason. "Twenty five pesos po. Ano pong name? Ilalagay po natin sa cup para tatawagin na lang po kayo." Ano nga bang pangalan niya? Hindi niya naman ako sinagot ng maayos kanina eh. "Sakay." Sinulat iyon ng cashier sa cup. Bahala na. "What a unique name. One hundred seventy five pesos all in all po." Choco fudge! Wala na yata akong pera. Sinilip ko 'yong wallet ko at luckily may five hundred akong tira. s**t. Ayaw ko pa naman mabaryahan 'to! "I received five hundred—Change po." "Thank you." Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali kapag tinitignan ko siya. Kawawa naman 'to. Wala ba 'tong mga magulang at hinahayaang mag-drive ng naka-shades sa gabi? Hays. Kinuha ko 'yong sukli ko at umupo na rin. Hindi ako magaling makipagusap sa ibang tao pero sige. "Huy, okay ka lang ba?" "You think?" he coldly responded. Kapag nakuha ko na talaga 'yong kape nito bubuhos ko sa kanya 'yon. Kinakausap ng maaayos eh. "Masakit ba ulo mo?" "Yes." Maya-maya tinawag na ng cashier 'yong pangalan na "sakay". Aba malay ko ba kung anong name niya. Ako na rin ang kumuha at inilagay sa table. Kasama na rin 'yong ramen niyang sa'kin din pinabayad. May sariling kotse pero walang pambayad ng ramen at kape. Psh! Iniangat niya na 'yong ulo niya at kumain. Habang tinitignan ko siya para siyang nalugi. Ano kayang pinagdadaanan nito? "Malulusaw na 'ko kakatitig mo. Gusto mo ba 'ko kainin?" Nagulat ako nang sinabi niya 'yon. Ano tingin mo sa'kin cannibal? I think I'm turning red. "Ha? Wala. Napapansin ko lang sa'yo na mukhang may problema ka. Baka gusto mong mag-open." "Wala akong problema." "Pero napakasungit mo. Daig mo pa ang nagme-menopause." "Hindi ka ba bibili?" "Hindi nga 'ko mahilig sa noodles." Medyo naging dead air kami ng onti. Maya-maya kinuha niya 'yong cup. Iinom na sana siya kaso napatigil siya saglit. Napataas ang kanyang kilay. "Anong "sakay"?" "Eh hindi ko alam pangalan mo eh. At mukhang wala ka ring balak magpakilala." Paliwanag ko. Inirapan lang niya ako sabay inom ng coffee niya. Mabulunan ka sana bwisit ka. Isa kang pinaglihi sa yelo na umiinom ng kape at nagpapainit sa ramen. "You will have a deal with me." "Deal? Ayos ka lang?" Natatawang tanong ko. "Nakita mo ba 'yong ginawa mo sa kotse ko? You deserve something back for hurting my baby." "Dahil lang sa mga gasgas? Ang OA mo naman." Tumango siya sabay inom ulit ng coffee. Aba! Ang kapal naman ng mukha nito. Ako na nga 'tong muntik mamatay kanina. "Ayoko nga. Hindi nga kita kilala. Uuwi na 'ko." Tumayo na 'ko at lumabas na ng Ramen Resto. Wala ng masyadong sasakyan pero maraming street lights unlike sa daanan ko pauwi. Maglalakad na sana ako kaso hindi ko alam 'tong lugar na 'to kaya napilitan akong bumalik sa kanya. "Ibalik mo 'ko." "Saan naman?" Talagang nangiinis siya. Kalma, Jasmine. Kapag inaway mo 'yan baka mawalan ka pa ng sasakyan. "Kung saan tayo nagkita." "Fine. Why are you so grumpy? Nangunguna ka kasi." Ayaw ko na lang magsalita. Gusto ko na lang siya ibalibag. Lumabas na kami pareho at na sa sasakyan na naman niya kami. Mama, papa kayo na po bahala sa'kin. After fifteen minutes nakabalik na 'ko. "Thank you, sakay." "What the f?" "Ayun na lang tawag ko sa'yo. Bye." Palakad na 'ko nang bigla niya 'kong hinila pabalik sa kanya. Dyos ko namang buhay 'to. Tama na. 'Wag ka na mag-goodbye kiss. "Bitawan mo nga 'ko." "Hindi pa tayo tapos. May kasalanan ka pa sa'kin." "Oh eh anong gagawin ko?" "I told you. You have a deal with me." Ang dami namang alam nito. Pauuwiin na lang ako eh. Ilang steps na lang nasa bahay na 'ko papatagalin pa. Napairap na lang rin ako. "Ano naman 'yon?" "Be my girlfriend for fifty days." "HA? Nasisiraan ka ba ng bait?!" "No. I'm fully normal, stupid. Mukha ba 'kong nasisiraan ng ulo rito?" "You bastard. Ayoko nga." "Starting tonight, you're my stupid grumpy li'l baby," sabi niya sabay gulo ulit sa buhok ko. "Oh and by the way, I'm Gio." Dagdag niya. Aba ayos. Salamat at nagpakilala ka rin. Akala ko gagawin mo pa 'kong manghuhula. "'Yon lang ba ang pangalan mo?" "Vaughn Gio Rivas." Inabot niya sa'kin ang kanang kamay niya para makipag-shakehands. Tinignan ko muna. Baka kasi maraming germs eh. "Nangangalay ako," aniya. Nakipagkamayan ako syempre. Ayoko sabayan kasungitan niya. "Kung sinabi mo lang 'yan kanina edi sana 'yan ang nakalagay sa kape mo." "Bye," paalam nito at sumakay na ulit sa kotse niyang ginasgasan ko lang naman. Hindi man lang nag thank you sa ginastos ko? Kaasar. Nevermind. Makauwi na nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD