Ilang araw pa ang nagdaan, tinatamad akong magbilang kung kaya ay hulaan niyo na lang. Nang sumapit ang uwian, sa palaging nakagawian ay nagtungo ako sa parati naming tambayan ng grupo. Malapit iyon sa quadrangle kung saan maraming benches at madami rin ang nakikitambay, lalo sa mga katulad naming gusto ring magpalipas ng oras. Ang iba pa roon ay mga nagtitipun-tipon para mag-review. May ilan na mag-isang nag-aaral na madalas ay kagaya ni Melvin na tahimik at may sariling mundo. Since naunang na-dismiss ang klase ko ay nauna rin akong nakarating doon, kaya pinili kong maupo sa mismong sementadong lamesa. Bali tuwing weekdays ay nasa hospital ako, weekend naman ay nandito ako sa school para sa ilang discussion at meeting sa klase. Nakadepende rin kung may time pa akong magpunta rito. Li

