"Bye, Gabriel!" sigaw ni Venice nang umusad ang sasakyan ni Gabriel. Kumaway pa ako sa ere na tipong makikita pa niya ako sa rear view mirror nito, mayamaya lang nang tuluyan siyang mawala sa paningin naming dalawa ni Venice. Pagkakataon naman iyon para dambahin ako nito sa leeg habang nakaakbay sa akin ang isa niyang kamay. Ramdam ko ang pananakal nito sa pabirong paraan, wala naman akong ibang ginawa kung 'di ang danggiin ito sa kaniyang tagiliran at pilit siyang itinutulak palayo sa akin. Nagmukha lang kaming mga bata na naghaharutan matapos makita ang ultimate crush sa school. "Bakla ka ng taon— anong balita, huh?" asik niya habang ginigiit pa rin ako. "Anong balita? Ikaw nga dapat itong tanungin ko, ano nang balita sa kasal ninyo ni Leo?" "Uy, huwag mong iniiba ang usapan. Ako mu

