"So, sino nga?" pangungulit ko dahil ayaw talaga niyang sabihin na akala mo ay ang laking bagay no'n para sa kaniya. Huwag niyang sabihin na ako? Kaya hindi nito masabi-sabi iyon, pero bakit naman ako 'di ba? Hindi ba ako stick to one? Lalakero ba ako? Bukod ba sa kaniya ay may nagustuhan akong ibang lalaki? Niloko ko ba siya? Alin doon? God, ang frustrating masyado. Literal na napapaisip ako sa sinabi niyang iyon. Like, what if ako nga? Sa kadahilanang may amnesia ako ay hindi ko iyon magawang maalala? Kaya heto siya at idinadaan na lamang sa pagbibiro. Ganoon naman talaga, hindi ba? Some joke are half meant to be true. For example, when we want to say something, we do it through jokes. And some people use this as tactic or technique to directly tell what they have in mind to gather

