"Gabriel?" pukaw ko rito. "Hmm?" Bahagya itong gumalaw sa tabi ko, sa kadahilanan na nakaunan ako sa kaniyang braso ay naramdaman ko ang paninigas ng muscles niya. Naroon kami sa may view deck at nakahiga, may makapal na sapin lang na nakalatag bilang hinihigaan namin. May unan at kumot din dahil naisipan namin na roon kami matutulog sa gabing iyon, since maganda ang panahon ngayon. Tiyak kong hindi naman uulan kung kaya ay ayos lang. Isa pa, ang gaan pala sa pakiramdam iyong lamig ng hangin para sa gabing iyon. Madilim ang paligid ngunit sapat na rin iyong liwanag ng buwan bilang ilaw sa amin ni Gabriel. "Ang sabi mo ay gusto mo ng lalaki, hindi ba? May naiisip ka na bang pangalan?" kalaunan ay pagtatanong ko, narinig ko naman ang pagngisi niya na animo'y na-excite bigla. "Hindi ko a

