Selosa? Hindi ko alam na selosa ako at kung totoo man ang sinabing iyon ni Gabby ay isa pala iyon sa bad side ko. Napalabi ako habang iniisip pa rin si Donna, ang nurse ko. Ewan ko nga kung kailangan ko pa ba siya dahil tingin ko ay kaya ko naman na ang sarili ko. I can handle myself very well. Wala lang akong maalala at pilay ang mga paa ko, pero hindi naman ako baldado ngunit kung sabagay, kung may araw man na maiiwan akong mag-isa rito sa tuwing aalis si Gabby ay kakailanganin ko talaga ng katulong. Hindi katulong sa bahay kung 'di kasama, since kaya ko naman din ang magluto at gumawa ng ilang gawaing bahay kahit pa naka-wheelchair ako. Though, alam kong mahihirapan ako sa kalagayan kong ito kung kaya ay hangad kong sana ay mapabilis ang paghilom ng pilay ko. Sa umagang iyon ay hinay

