Gorgeous niya mukha niya, tch. Masyado akong naaalibadbaran sa tuwing naiisip kong nakasama ko ito sa taxi, kahit na ngayong nakababa na ako ay sumusuot pa rin sa tainga ko iyong nakakainis niyang pagtawa. Hindi ko ba alam kung anong nangyari, kung bakit na mas naiinis ako sa kaniya ngayon. Imbes na wala sana akong nararamdaman sa kaniya kung 'di casual lang, pero kung sabagay ay mas okay na ito. Kaysa naman na mangibabaw sa akin iyong sakit na dulot ng relasyon nila ni Donna. Okay na ito na halos isumpa ko siya sa inis, kumpara na umaasa pa rin ako rito. God! Palagi na lang wrong time. Ngunit bakit nga ba niya ako tinatawanan kanina? Samantalang sila naman talaga ni Donna 'di ba? Huwag niya lang itanggi at masasabi kong wala siyang pinagkaiba kay Gabby na manloloko. Maang-maangan pa s

