"Ikaw ang kasama ko, hindi ba?" mabilis kong pag-uulit nang walang maging imik si Doc. Gabriel katulad nang nangyari kanina.
Every time na may itatanong ako ay mananahimik siya, tila ba alanganin pa ito kung sasagutin ba niya. Pero bandang huli ay mabibigo lang din ako dahil desidido siya na ayaw nitong magbanggit ng kahit na ano dahil sa kalagayan ko ngayon.
Actually, hindi naman ako namimilit ngunit kumukuha lang ako ng pagkakataon na kilalanin ang isang Gabriel Monte Alba. Lahat kasi sa kaniya ay hindi ko matandaan, wala man lang itinira na kahit anong alaala o palatandaan na asawa ko ito bukod sa suot niyang singsing.
Hindi ko nga malaman kung sapat na ba iyong ebidensya, gusto kong maghinala ngunit masyado lang din akong nadadala sa ipinapakita niyang emosyon sa akin— sa pag-aalala at pag-aalaga nito sa akin simula nang maaksidente ako.
Mayamaya lang nang bumuntong hininga ito bago ako mariing tinitigan kung saan kitang-kita ko ang paglalaro ng samu't-saring emosyon sa parehong mata niya ngunit namumukod tangi roon ang pag-aalinlangan at paghihirap na huwag bumigay.
Ilang minuto ang nagdaan na purong paninitig lang ang nagawa niya sa akin. Kalaunan nang tumango ito, rason para umawang ang labi ko. Maang ko siyang tinitigan na para bang pilit ko pang inaaninag ang sinasabi ng kaluluwa niya, pero iyon lang ang nakaya ko.
Nahihirapan din ako na tantyahin at kapain ang mga emosyon nito, lalo at literal na wala akong maalala. Hindi ko alam kung anong klaseng pag-uugali ang mayroon si Doc. Gabriel, hindi ko malaman kung dapat ko na bang ipagkatiwala ang sarili ko sa kaniya.
Gusto kong isawalang bahala ang lahat ng pangamba ko dahil may parte sa akin na mas gusto ko itong makilala. Gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon na ipakilala sa akin ang sarili niya, in that way— masasabi ko rin kung gaano siya katotoo sa mga sinasabi at ipinapakita nito.
"Yes, ako nga," mababang boses na sagot nito. "I can tell you everything, Jacky, but not now— huwag ngayon na nagpapagaling ka pa sa mga natamo mong sugat. Just like what I said, magpahinga ka muna hanggang sa pwede ka nang lumabas dito."
Pinisil niya ang palad ko dahilan para magbaba ako ng atensyon doon, paraan ko rin upang iiwas ko ang tingin sa kaniya. Umimpis ang labi ko, kapagkuwan ay tumango rin bilang pagsang-ayon sa sinabi niya dahil wala na rin akong masabi pang iba.
Siya na ang nagdesisyon para sa sarili ko. Wala rin naman akong magagawa kung ipipilit ko pa, since ayaw naman nitong magkwento. Sa katotohanang iyon ay bulgar na bumagsak ang balikat ko, humaba pa ang nguso ko na animo'y batang nagtatampo.
"Magpagaling ka muna, Jacky. At kapag okay na ang lahat, sasabihin ko ang lahat simula hanggang sa huli mong naalala. Just be sure na okay ka na, ipakita mo sa akin na magaling ka na— promise, I will tell you every single thing."
Lumamlam ang parehong mata ni Doc. Gabriel, kaya natanto kong nahihirapan ito dahilan para muli akong tumango. Tipid din akong ngumiti bilang segunda. Right, kaya ko naman sigurong maghintay. Kaya ko naman sigurong magtiis sa ganitong kalagayan.
Sana lang din ay huwag nang magtagal pa, ngayon pa lang ay nasasabik na akong bumalik ang alaala ko. Marahil sa ganoong paraan din ay mas maibibigay ko ng buo ang tiwala ko kay Doc. Gabriel. Baka mangyari na mas mahalin ko pa ito higit na kanino.
Mahina akong nagpakawala nang maraming buntong hininga, kapagkuwan ay pinisil ang kamay nito na nananatiling nakahawak sa akin. Doon ay naramdaman ko ang pagka-tense ng muscles nito sa kaniyang braso.
"Then heal me, Doc. Gabriel," pagsusumamo ko, kasunod nang pagtingala ko sa kaniya.
Sa sinabi ko pa ay nakita ko ang unti-unting pagsilay ng mumunting ngiti sa kaniyang labi, kasunod pa nito ay ipinagsalikop niya ang mga daliri namin sa kamay kung kaya ay para na kaming magka-holding hands.
Gusto ko mang dungawin ang magkahawak naming kamay ay mas gusto kong tanawin ang nakangiti niyang mukha kung saan bakas na bakas doon ang sinseridad at punung-puno ng pagmamahal sa akin.
Nagawa pa niyang makagat ang pang-ibabang labi, marahil para mas pigilan nito ang paglawak ng kaniyang ngiti. Sa paninitig ko pa rito ay para niya akong hinihigop, para akong lumulubog sa isang kumunoy kung saan walang wala akong kawala.
"Gabby... Jacky," buntong hininga niya habang nangingiti pa sa kawalan. "You should call me by my name, just call me the way you used to call me as your husband, Jacky."
Puno ng sinseridad ang mukha ni Doc. Gabriel— I mean, yeah, Gabby. Kailangan ko ulit sanayin ang sarili sa mga bagay na ginagawa ko noon, pero saan nga ba ako mag-uumpisa? Ano nga ba dapat ang uumpisahan ko? As of now, hindi ko mawari at wala akong maisip.
"Okay, Gabby," mahinang sambit ko ngunit naging sapat na iyon na dahilan para mas lumawak ang ngiti sa kaniya.
"Why does it felt so surreal?" bulong niya sa sarili, pero hindi ko na masyadong naintindihan at narinig nang maayos.
Mayamaya lang nang mabulabog kami nang biglang may kumatok mula sa labas ng kwarto, kasunod nang pagbukas ng pinto kung kaya ay magkasabay namin iyong nilingon. Dumungaw doon ang ulo ng isang nurse na mabilis binalingan si Gabby.
"Pinapatawag ka po sa baba, Doc," anang babaeng nurse na sa tingin ko ay nasa edad mid-twenties pa lamang.
Intern marahil dito sa hospital, siya namang maagap na pagtango ni Gabby bilang pagsang-ayon dito. Nagawa pa akong lingunin ng nurse at kaagad akong nginitian, rason naman para umipis ang labi ko para suklian iyon ng maliit na ngiti.
Kalaunan nang magpaalam din ang nurse, saka naman dahan-dahan na umalis si Gabby sa kaniyang pagkakaupo. Tila ba nag-iingat pa ito na huwag masagi ang binti ko, o 'di kaya ay para bang ayaw na niyang umalis sa tabi ko. Wala lang din talaga siyang choice.
Kung hindi nga lang din siguro ito pinatawag o wala siyang trabaho, malamang ay buong oras at araw niya akong babantayan. Walang mintis at walang kurap-kurap ng mata na para bang natatakot siya na malayo ako sa kaniya.
Mabilis ko itong tiningala nang makatayo siya ng tuwid, madali lang din niya akong hinarap. Pareho kaming tahimik, saglit pa siyang nakipagtitigan sa akin kung saan tama nga ako na ayaw niyang umalis at mas gusto nitong bantayan ako sa buong magdamag.
Ilang sandali pa nang halos bumagsak ang panga ko nang walang sabi-sabing halikan nito ang likod ng kamay ko na siyang hawak-hawak pa rin nito, animo'y walang balak na bitawan. Sa nangyari pa ay natulala ako sa mukha niya.
Nahigit ko rin ang paghinga ko at kung kanina lang ay malakas na ang pagtibok ng puso ko, ngayon ay hindi ko na maipaliwanag. Kulang na lang ay kumawala iyon sa dibdib ko upang magpakita kay Gabby at sabihin kung gaano ako kaaepektado sa ginawa niyang iyon.
"I'll be back as soon as I have my free time. Magpahinga ka na muna rito, okay?" wika nito nang pakawalan niya ang kamay ko, masuyo nito iyong ibinalik sa kandungan ko. "Just call me when you need me, or kung gusto mo ng kasama rito. I'll be here right away kahit nasa gitna pa ako ng operasyon."
Mahina akong natawa, nagawa ko pang tampalin ang braso niya ngunit ako lang din itong nasaktan kung kaya ay maigi ko na lang ulit iyon ibinalik sa kandungan ko. Napanguso ako, kasabay nang pagngiti ni Gabby.
"Kidding aside. Anyway, aalis na ako..." alanganin niyang pahayag.
"All right." Tumango-tango ako bilang sagot, saka naman ito dahan-dahan na naglakad nang patalikod habang ayaw akong tantanan nang mainit niyang paninitig.
"Dito ka lang. Babalik din ako kaagad," segunda nito at saka naman ito huminto sa paglalakad, nagulat na lang ako nang muli siyang bumalik sa tabi ko. "Good night, Jacky."
"Good night."
"Dreame of me, okay? Para mapabilis ang pagbalik ng alaala mo."
"Okay."
"Sleepwell, Jacky."
"I will."
"I'll go now?" segunda nito na naging mitsa para muling kumawala ang mumunti kong pagtawa.
Ayaw talaga akong alisan. Mayamaya lang nang matawa rin siya sa sarili nitong kabaliwan, sunod niyang ginawa ay masuyo nitong hinaplos ang ulunan ko dahilan para bahagyang magulo ang buhok kong wala na rin sa ayos.
"Bye." Kumaway ito sa akin, siya ring pagkaway ko sa kaniya bilang pamamaalam.
Masaya siyang ngumiti bago tuluyang tumalikod sa gawi ko. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa lisanin nito ang kwarto, ilang minuto pa akong natulala sa pintong pinaglabasan ni Gabby. Masasabi ko na kaya ko palang pagkatiwalaan si Gabby.
He's harmless— I thought so. I really felt his genuine and sincerity, kaya walang duda na mabilis lang mahulog ang loob ko sa kaniya. Sa nangyari ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Wala lang, kahit papaano ay nagawa niya akong pasayahin.
Huminga ako nang malalim, naging kibit na lang din ang balikat ko at saka pa pinadausdos ang sariling katawan mula sa pagkakasandal ko upang makahiga na rin. Sa mga nagdaang araw ay naging tahimik ang mundo ko sa loob ng apat na sulok ng kwartong iyon.
Bukod pa kay Gabby na oras-oras akong pinupuntahan ay wala ng iba ang nagtatangkang bisitahin ako sa hospital, kaya hindi ko alam kung tama bang may pamilya pa ako o kahit malapit na kamag-anak, o 'di kaya ay mga kaibigan.
Naghihintay ako na baka sakaling may nakakakilala pa sa pagkatao ko, na hindi lang si Gabby ang malapit sa akin. Ngunit lumipas pa ang ilang araw ay walang nagpakita o maski hudyat na may darating man lang. I'm wondering, mag-isa na lang ba ako sa buhay?
Where's my Mom? My Dad? May kapatid ba ako? Pinsan o kahit kaibigan man lang? Katrabaho o kapitbahay na pwedeng mag-alala sa akin? Sa kawalan ko ng pag-asa ay natawa na lamang ako bago dahan-dahan na bumaba sa pagkakaupo ko mula sa hospital bed.
Hawak-hawak ngayon ni Gabby ang dalawang kamay ko na siyang inaalalayan ako sa pagtayo ko. Gawa ng hindi mabilang na araw akong nakahiga at nakaratay ay hirap na hirap kong ituwid ang dalawang tuhod ko, para bang nawalan ng pundasyon ang mga binti ko.
Sa tuwing tatangkain ko naman ang tumayo ay nanginginig ang mga binti at hita ko, ang ending ay muli akong babagsak sa pagkakaupo ko sa kama. Hindi ko na alam kung anong itsura ko ngayon dahil sa pagkakangiwi ko. Ramdam ko pa ang bigat sa katawan ko, kaya mas lalo lang akong nahihirapan.
Samantala ay naging matiyaga naman si Gabby na hindi ako binibitawan, wala akong narinig na reklamo sa kaniya bagkus ay mas pinapatatag pa nito ang loob ko. Hindi ko ito nakitaan ng pagod. Hindi niya ako hinahayaan, tila ba natatakot din ito na nasasaktan ako.
"You can do it, Jacky," malamyos niyang banggit, kaya sinubukan ko ulit na tumayo at pinilit ang sarili na tumuwid ng tayo.
Marahan kong iniunat ang pareho kong tuhod, bukod pa sa aming dalawa ay naroon ang dalawang nurse na umaalalay din sa amin bilang suporta. Dumating na iyong araw na pwede na akong ma-discharge sa hospital dahil maituturing nang okay na ako mentally.
Ngunit ang sabi ni Gabby, hindi pa ako ganoon ka-fully recovered when it comes to physical injury. May pilay ang kanang paa ko, kaya literal na hirap na hirap akong makatayo at paika-ika marahil ang lakad ko. May benda rin banda sa leeg ko bilang suporta sa ulo ko.
Isa pa, sadyang ayaw ko lang din sa katotohanan na naroon ako sa loob ng hospital. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nanghihina na wala akong ibang makita kung 'di ang purong puting paligid at ilang hospital machines.
"Slowly, wifey, slowly," ani Gabby nang unti-unti akong tumuwid, saka naman niya ako inilipat sa wheelchair na nakaabang sa pag-upo ko.
Nakaalalay naman doon ang isang nurse na babae at nang tuluyang makaupo ay bumagsak ang kalahating katawan ni Gabby sa akin, iyong sakto lang na nakadukwang siya sa akin dahilan para mapatigalgal ako sa harapan niya. Kaagad na nagtagpo ang mga mata namin.
Gaano man kagulat ang expression niya ay labis na tuwa naman ang namumukod-tangi sa parehong mata nito. Animo'y proud na proud siya sa paunti-unti kong pagiging okay. But wait, tama ba ako ng narinig kanina? Did he just call me wifey?
Kumurap-kurap ako nang masilayan ang mas malawak na pagkakangiti ni Gabby na para bang masyado siyang natutuwa sa naging reaksyon ko. He knows me too well. Hindi tuloy maiwasan na mangamatis ang magkabilaan kong pisngi sa kahihiyang natamo ko.
"You did well, Jacky. And I am so proud of you," malambing nitong pahayag na ikinahabag ng damdamin ko.
Did I just got a loving and sweet husband? Is this even for real, huh? Bakit ayaw kong paniwalaan? Bakit parang ang hirap maniwala na napangasawa ko si Gabby, like ganoon ko siya kadaling nakuha? Simula nang magkamalay ako ay siya na ang bumungad sa akin.
Wala palya, wala akong masabi sa pagiging maalaga at full support niya sa akin. Imagine, ganito pala ako kaswerte na nagkaroon ako ng asawang katulad niya. Wala sa sarili nang makagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ko ang nagbabadyang ngiti.
Rason naman iyon para tumuon ang atensyon ni Gabby sa natutuyo kong labi, kaya mas lalo lang din akong nahirapan na makahinga nang maayos at payapa. Ilang sandali pa nang mabigat akong napabuntong hininga at saka pa tipid na ngumiti rito.
"T—thank you, Gabby," usal ko sa mababang boses habang pasimple kong hinahabol ang hininga ko.
"My pleasure."
Abot hanggang langit ang naging ngiti ni Gabby, nagawa pa niyang guluhin ang buhok ko sa masuyong paraan sa labis nitong kasiyahan. Kitang-kita ko ang panggigigil niya, kung wala nga lang din sigurong nanonood sa amin ay baka kanina pa ako nito niyakap.
Kalaunan nang tumayo rin siya at saka umikot banda sa likuran ko, siya na rin ang nagtulak sa wheelchair ko. Ang mga nurse naman ay maagap na binuksan ang pinto hanggang sa tuluyan kaming makalabas ng kwartong iyon na ilang araw ko ring nakasama.
Lulan ng wheelchair ay panay ang lingon ko sa bawat hallway na nadadaanan namin sa kabuuan ng hospital na iyon. Tila rin ba naninibago ang paningin ko sa paligid, maging sa mga taong nakakasalamuha ko at sa mga bagay na nakikita ng mata ko.
Totoo nga iyong pakiramdam na parang bagong silang ako sa mundo, iyong tipong ngayon lang ako ipinanganak kung kaya ay kailangan kong mangapa sa kung paano gumalaw ang mundo. It felt so strange and odd. Ang daming bago sa paningin ko.
Sa kamamasid ko pa ay hindi ko na napansing nakalabas na pala kami, siya namang dere-deretsong pagtulak sa akin ni Gabby hanggang sa mapadpad kami sa malaki at malawak na parking space na naroon lang din sa tapat ng hospital.
Huminto lang ito nang matunton namin ang isang kotse, kaagad na binuksan ng isang nurse ang pinto mula sa passenger's seat. Samantala ay halos mapatili naman ako nang walang kahirap-hirap na buhatin ako ni Gabby sa paraang bridal style.
"I'll be careful," bulong nito na naging sapatna upang matunaw ang nanlalamig kong pagkatao.
Dahan-dahan ay inilipat ako nito sa loob ng kotse, kusa rin niyang ikinabit ang seatbelt sa akin kung kaya ay marami akong pagkakataon na matitigan siya nang malapitan. Ilang dangkal lang ang pagitan ng mukha naming dalawa.
Tanaw ko ang makapal na kilay nito, pati ang matangos niyang ilong. Nagawa ko pang malanghap ang mabango nitong buhok kung kaya ay saglit akong napapikit, 'di rin nagtagal nang magmulat ako at saka naman nagbaba ng tingin sa kabuyan niya.
Suot nito ay ang v-neck white t'shirt. Terno ng khaki shorts at casual shoe, napakasimpleng tingnan ngunit masyadong nag-uumapaw sa angking kagwapuhan. He has this masculine type of body, from his broad shoulder to his toned biceps and triceps.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ko ba siyang pinagmamasdan, hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nito tinititigan na para bang kanina pa niya kinakalkula ang emosyong lumulukob sa akin. O mas magandang sabihin na natutuwa ito sa katotohanan na pinaglalawayan ko siya.
Nang mapansin ang paninitig nito ay mabilis pa sa kidlat na nag-iwas ako ng tingin, saka pa ilang beses na naubo nang malunok ko ang sariling laway sa labis na kahihiyan. Inilubog ko rin ang sarili mula sa kinauupuan ko, siya namang mahinang pagtawa ni Gabby.
"You're drooling over me, Jacky," nang-aasar na turan nito dahilan para magsitayuan ang mga balahibo sa batok at braso ko.
"No. Hindi sa gano'n..." Ipinilig ko ang ulo upang mas makapag-isip pa ng tamang rason— am I? "I'm just familiarizing... you... 'coz you know, baka sakali na makaalala ako."
Ngumiti si Gabby bago ipinadaan ang kaniyang daliri sa panga ko hanggang sa itaas nito ang baba ko upang mas magkatapat ang mga mata naming dalawa. Sa ginawa niya ay ilang ulit akong napakurap-kurap, samantala ay hindi ko na nagawa pang mag-iwas ng tingin.
"I will help you, but don't stress yourself too much. It's my job anyway," malambing niyang wika kung kaya ay napaismid ako.
"Okay..." pagsuko ko, kalaunan nang maisarado rin ni Gabby ang pinto sa gilid ko.
Madali naman itong umikot sa kabilang banda at pumasok sa driver's seat, sinundan ko siya ng tingin at sa buong biyahe namin ay naging tahimik lang ako na nakikiramdam sa kaniya habang dinig ko ang bawat paghinga namin na lumulukob sa loob ng kotse.
"Where are we going?" maang kong pagtatanong upang basagin ang katahimikan sa paligid.
"In Isla Mercedes." Isang sulyap ang iginawad nito sa akin at sa hindi mabilang na beses ay ngumiti na naman siya na nagmukha lang siyang modelo sa isang toothpaste brand.
"Isla Mercedes? Doon ba tayo nakatira?"
Nangunot ang noo ko. Bago iyon sa pandinig ko, o baka hindi ko lang talaga maalala? Pero ano pa man iyon ay nauna nang umalpas ang tuwa at excitement sa puso ko.
"Nope. It is an island located at the corner of the Philippines, kung saan una tayong nagkakilala at ang lugar na sobrang special sa ating dalawa. And just like what I said, tutulungan din kitang makaalala habang nagpapagaling ka sa isla."