I NEVER knew that we would cross paths again. He was standing right in front of me with his menacing presence. Kahit kailan ganoon pa rin ang dating ng kanyang presensya sa akin. I gulped habang titig na titig sa kanya. Alam ko sa aking aking sarili kung gaano ko siya gustong makitang muli.
God knows how much I missed him. Walang araw na hindi ko hinihingi ang pagkakataon na ito. Sa ilalim ng buwan na tanging liwanag sa kung saan kami ngayon. Habang binabalot ng malamig nang simoy ng hangin ang aking katawan, ang aking mga paa, they are glued in the place I am standing right now habang naglalakad siya patungo sa akin upang magkaharap kami ng malapitan.
Takot akong gumalaw and I am even afraid to blink my eyes sa takot na baka mawala na naman siya sa aking mga paningin.
Then he stop mga ilang pulgada mula sa kinatatayuan ko. Gusto kong magsalita pero natatakot ako dahil sa alam ko na sa oras na magsalita na ako siguradong hagulhol ng iyak ang lalabas sa aking bibig. Patuloy pa rin akong nakatingin sa kanya ng diretso, in the middle of the stillness of the night no one dared to break the silence until I heard him take a deep breath and started to say something.
“I-I’m sorry, I was trying to keep myself from liking you too much because if that happens then stuff gets complicated.” He then looked at me, meeting my gaze with those beautiful pairs of hazel eyes as he continued.
“I was thinking all these years. If I get to be extremely like you then I might do something which will result in even more liking you or–.” He suddenly paused, umiwas siya ng tingin sa akin as silence enveloped the atmosphere between us.
Hindi ko alam kong saan ako humugot ng lakas ng loob at nilapitan ko siya. Inabot ko ang mga pisngi niya ng aking mga palad and made him look at me. I know behind those intimidated hazel eyes was a soft and kind hearted man that my soul recognized right from the very first day he held his hand to mine.
“Or what?” I ask while looking at him intently hoping to get the answer that I was wanting for so long but to my dismay, he took my hands off his face and left me without any word.
At dahil sa ginawa niya ay humugot ako ng maraming lakas ng loob para mailabas ang aking saloobin para sa kanya. I closed my fists to suppress my tears from falling.
“Ganoon na lang ba iyon?!” sigaw ko sa kanya habang kagat labi kong pinipigilan ang aking mga luha sa pagpatak mula sa aking mga mata.
Wala pa rin akong naririnig sa kanya, he continued to walk away from me, ni wala na ata siyang planong lumingon. Sumigaw akong muli hoping that he would stop from walking.
“Yo-You are not dead inside and you are not cold either!”
At patuloy pa rin siya sa paglakad, napasinghap ako at nagpatuloy sa pagsisigaw ng aking nararamdaman. Buong loob akong nagsalita ng malakas despite the fact that I can’t help myself from stuttering.
“Yo-You are actually the opposite of what you think you are!” Nagsimula nang pumatak ang aking mga masaganang luha habang hirap na nagsasalita.
“Yo-You are so sensitive, I-I know, alam na alam ko. “ Halos paos ko nang sabi. Napalunok ako at nagpahid ng luha kasabay ng pagtatakip sa aking bibig para pigilan ang sarili kong humagulgol at nagsalita ulit.
“Be-Because if you are not, you would not make some distance between us all these years! Naiintindihan ko kung bakit kinailangan mong lumayo!”
Nakatingin pa rin ako sa kanya, ni hindi ko na namalayan na nakasunod na ako sa likod niya hanggang sa nakarating kami sa kung saan na ka park ang sasakyan niya. Habang patuloy pa rin ako sa pagsasalita at umiiyak. But this time ay napa buntong hininga ako ng malalim para mas maging klaro pa ang aking sinasabi at hindi na nauutal.
“You are a very good listener despite my annoying dramas in life. You always choose to understand and listen to me.” Sambit ko habang inaalala ang mga sandaling magkasama kami at totoo sa aming nararamdaman sa isa’t-isa. Napasinghap ako and he was about to open the door of his car ng napahinto siya, sa wakas.
“Kahit anong tanggi pa at pagpapanggap ang gawin mo, alam na alam ko kasi nga naiintindihan kita.” Sambit ko na halos humagulhol na.
“You give interest in everything that I do and you always encourage me that I can do better. I am so much comfortable with my own skin when I’m with you, as I can be myself na walang panghuhusga galing sa’yo.These things are all enough to say how much of a great person you are,”
Nailagay ko sa mukha ko ang aking mga palad. Hindi ko na kayang magtimpi at pigilan ang mga bagay na sa aking puso. I silently scream habang naninikip ang aking dibdib sa sobrang sakit na nararamdaman dahil hanggang ngayon parang di niya pa rin kayang aminin ang totoo sa akin. Nanatili lang siyang nakatayo at hindi ako hinaharap.
Sa kabila ng naninikip kong dibdib ay nagpatuloy ako sa pagsasalita and praying silently inside my head na sana kahit ngayon lang ay makinig naman siya sa akin at magawa niyang ipakita ang totoong siya at ang totoong nararamdaman niya kasi handa naman ako, matagal ko nang hinanda ang aking sarili para sa kanya.
“Did you remember, you even told me you are my crying shoulder, my first aid because you perfectly felt when I am not feeling well. And with all these things you’re doing it simply shows that you are a person with a good heart, a person who cares once into a stranger.”
With all that being said, I almost break down habang patuloy sa pagpatak ang aking mga luha, walang humpay itong dumadaloy sa aking mga pisngi. Nagiging blurred na rin siya sa aking mga paningin.
“So, please stay with me---,” I wasn’t able to finish my sentence ng pinutol niya ito.
Nakita ko na huminga siya ng malalim and I reminisced the first time that we are in the same situation but this time hindi niya ako hinarap, patuloy lang siyang nakatalikod sa’kin.
“For your own good Zoelle. Please, move on and forget about me.” tanging sagot niya na may diin sa bawat salita.
I stepped forward, towards him and I am almost a few inches away from him when he immediately stopped me and get in his car kasabay ng pagbuhay nito sa makina at walang pakundangan na umalis at iniwan akong tulala, gulat, at mag-isa.
And that’s when I got a big slap in my head, the thought of what he just did cause my heart to be shattered into pieces.