SISENTA Y OTSO AURORA MARASIGAN KAPAG MASAMA daw ang loob mo ay isang alak at kaibigan lang ang kailangan mo. Isang alak na aagapay sa bawat nararamdaman mo at isang kaibigan na makikinig sa lahat ng kagagahan mo. Gaya ng alak na kahit ilang beses kong iyakan ay hindi mapapagod sa akin. Alak na kahit araw-araw kayong magkaharap ay hindi ka iiwan kahit nakakabingi na ang mga reklamo mo. Ngunit ang kaibigan ay duda ako sa kung hanggang saan siya uupo sa harap mo at makikinig sayo. Dahil madalas meron silang sariling problema at napapagod din silang pakinggan ka. “Ano magpapakalunod ka na lang ba dito at iiyakan ang problema mo? Maldita ka ‘di ba? Hindi ka isang mahina at iyaking babae. Nasan na ang kilala kong Rara Marasigan?” Rin-rin shouted as if I really did something unforgivable.

