SISENTA Y SAIS AURORA MARASIGAN MASAYA. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang salitang ‘yun pero habang nakahiga sa tabi ni Gio at ang magising na siya ang unang magisnan ko ay kakaibang saya na nararamdaman ko. Kakaibang saya na hindi ko pa rin mapaniwalaan. Naalala ko kagabi na halos bawat parte ng kwarto ko ay pinagdalhan niya na sa akin. Bawat sulok ng silid na ito ang nakita na kung anong kababuyan ang mga pinaggagawa naming dalawa. Mabuti na lang talaga at walang umuukopa ng floor na ito kung hindi ay nakakahiya kapag may nakarinig sa aming dalawa. Hindi naman ako naninibago dahil ginagawa na rin namin ito noon pero ngayon may kung anong ideya na ako sa nararamdaman niya ay naiilang ako. Hindi ako sanay na merong ibig sabihin ang mga sinasabi at ginagawa niya para sa akin. Mas

