Chapter Sixty-Three JOB HINDI ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong hindi na pwedeng maging kami. Galit ako sa sarili ko dahil sa desisyong ginawa ko noon at pinagsisisihan ko iyon. Hindi ko na nga rin alam kung paano ko kakausapin si Philip. Hindi ko alam kung paano mag-iipon ng lakas ng loob na humingi ng tawad sa kanya. Nahihiya ako sa kanya kahit pa gustong-gusto ko na siyang makausap at mayakap. Namimis ko na siya ngunit sa tingin ko ay huli na ang lahat para sa aming dalawa. Hindi ko na maibabalik pa ang saya noong kami pa. "Bes, mauuna na ako ha. May pupuntahna kasi kami. Kasama ko si Mama at Papa. Okay lang ba?" Ani Hazel. Nandito pa rin kami sa school dahil nga inayos pa namin ang lahat ng mga ginamit namin for the graduation. "Ah sure. No problem. Uuwi na rin ako m

