Chapter Sixty JOB "MA, ano pong nangyari kay Papa? Magsalita naman po kayo," pag-uulit ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit umiiyak si Mama. "Ano na Ma? Magsabi naman po kayo. Kinakabahan na ako sa pag-iyak niyo eh. Ano po ba talaga ang nangyari?" sambit ko habang yakap-yakap ko siya. "Anak lumalala na ang sakit ng Papa mo. Tinest siya ulit dahil hindi kinakaya ng Papa mo ang kirot. Sabi ng doctor mabilis daw na kumalat ang cancer cells sa kanyang tuhod kaya hindi raw imposible na nasa stage 3 na anak," Halos manghina ako sa sinabing iyon ni Mama. Isang linggo pa lang kami dito sa hospital pero bakit ganoon naman kadali? Lord please heal my father. "Hindi ko kayang mawala ang Papa mo anak. Hindi ko pa kaya," wika ni Mama saka ito mas lalong humagulgol. "May awa ang Diyos Ma.

