Chapter Eleven
PHILIP
WALA PA akong balak umuwi sa bahay kung kaya dumiretso ulit ako sa bahay nila Alex.
“Mano po Tita,” saad ko nang makapasok kami sa loob ng kanilang bahay dahil kasalukuyang nanonood si Tita Ester.
“Pagpalain kayo ng Diyos mga anak. Dito ka ba ulit matutulog?” nakangiting tanong niya sa akin kung kaya nagkamot na lang ako ng aking ulo.
“Sinasabi ko po sa inyo Ma eh. Mag-iisang linggo iyan dito,” natatawang wika ni Alex.
“Hayaan mo na anak. Para naman may kasama tayo rito sa bahay,” nakangiti namang sagot ni Tita.
Wala talaga akong masabi sa kabaitan ng mga magulang ng mga kaibigan ko. Naiinggit nga ako eh dahil kumpleto sila samantalang yung pamilya ko, wasak.
Napakamalas ko nga naman.
"Magpahinga na muna ako at maghahanda lang ako ng inyong meryenda," ani Tita saka nagtungo sa kusina.
"Ano na ang gagawin mo kay Anica? Baka magsumbong iyon sa kanyang mga magulang,"
"Magsumbong siya kung gusto niya. Wala akong pakialam," simpleng sagot ko.
"Sigurado ka bang hindi sa iyo ang ipinagbubuntis niya?"
"Sigurado ako. Putang-*na! Huwag akong gagaguhin ng babaeng iyon dahil hindi ko uurangan ang kanyang mga magulang,"
"Eh bakit ikaw ang itinuturo niya? Tarantado ka. Baka naman ikaw talaga,"
"Gag*! Alam ko ang ginagawa ko no. Bakit ko bubuntisin ang isang babae kung alam ko sa sarili kong hindi ko pa siya mabibigyan ng magandang kinabukasan?"
"Sabagay may punto ka. Eh ang ipinagtataka ko lang, bakit ikaw nga ang itinuturo niya?"
"Hindi pa ba malinaw? Patay na patay sa akin ang babaeng iyon kaya alam kong gagawin niya ang lahat. Anong akala niya? Mapipikot niya ako? Nagkakamali siya,"
"Iba ka talaga tol. Baka mamaya niyan dumami ang magsabing nabuntis mo sila. Delikado," natatawang aniya.
"Subukan lang nila,"
"Magmeryenda na muna kayo. Mamaya na kayo gumawa ng inyong mga assignments," ani Tita sabay lapag ng tray sa mesa.
"Salamat po Tita,"
"Anong gusto niyong ulam?" tanong ni Tita.
"Ma, Sinigang na baboy," sagot naman ni Alex.
"Ikaw Philip anong gusto mong ulam anak?"
"Kahit ano po Tita. Salamat po,"
"O sige. Magsisinigang na baboy na lang ako,"
Pagkatapos naming magmeryenda ay pumasok kami sa kwarto ni Alex para maglaro ng PS4.
"Hindi ba pupunta rito ang mga ugok na iyon?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam. Kilala mo naman ang mga iyon diba? Basta-basta na lang sumusulpot,"
"Sabagay. Sino ba ang last na natulog kagabi?"
"Si Enzo. Baliktad nang baliktad,"
"Konti lang naman ang nainom natin kagabi kaya hindi naman tayo nalasing,"
Habang nag-eenjoy kaming naglalaro ay bigla namang kumatok si Tita.
"Alex, Philip nandito na si Zander," wika ni Tita mula sa labas ng silid.
Dahil abala si Alex sa paglalaro ay ako na ang tumayo upang pagbuksan si Tita.
"Pasok ka tol," saad ko.
"Talaga namang busyng-busy kayo," ani Zander saka nakipag-apir sa akin.
"O siya, maiwan ko na muna kayo," paalam ni Tita.
"Akala ko ba nandito na yung tatlo?" tanong ni Zander.
"Baka hindi pinayagan ang mga gag*ng iyon. Kung darating sila eh di mabuti," sabad naman ni Alex.
"Holiday sa Lunes diba? Baka gusto niyong gumala. Long weekend mga tol," litanya ni Zander sabay higa sa kama.
"Beach tayo. Dalawang oras lang naman ang biyahe papuntang Casa Blanca beach," ani Alex.
"All boys ba?" tanong ni Zander.
"Huwag naman. Isasama ko rin yung girlfriend ko. Alam niyo na. Kailangan ko ng magchange-oil," pilyong sabi ni Alex.
"E di kawawa itong si Philip. Hindi niya alam kung sino ang kanyang isasama,"
"Gag*! Wala akong balak magsama ng babae,"
"Mamaya na nga natin pag-usapan iyan kapag nandito na yung mga ugok na tatlo," si Alex.
PAGKARATING na pagkarating ng tatlo ay pinag-usapan nga namin ang binabalak nitong dalawa.
"Sasakay na lang ako sa sasakyan ni Zander. Siguradong tatamaron na naman akong magmaneho ng motor," suhestiyon ko.
"Ano? Paano yung isasakay mong chix? Alangan namang doon din siya sasakay?" si Enzo.
"Mga gag* ba kayo. Wala naman akong dadalhin na babae. Kayo na lang. Sumasakit pa ang ulo ko dahil kay Anica,"
"Eh kung si Job na lang kaya?" si Alex.
"Bakit ko naman siya dadalhin? Alam niyo na ngang strikto ang mga magulang niya. Saka imposible namang sasama iyon,"
"Bakit hindi mo tawagan? Tanungin mo," si Darren.
"Oo nga. Baka lang pumayag eh di masaya kapag ganoon," si Renz.
"Hindi iyon papayag," pagmamatigas ko.
"Hindi mo pa naman natatanong diba? Tanungin mo muna o baka naman nahihiya ka?" si Alex.
"Bakit naman ako mahihiya. Hindi ah,"
"O sige. Tawagan mo na lang mamaya kapag nakainom na tayo para naman lumakas iyang loob mo," si Enzo.
"Mukhang malabong mapasagot mo ang Educ. student na iyon. Parang walang balak magkaroon ng nobyo eh," si Darren.
"Naku! Parang hindi niyo naman kilala itong kaibigan natin. Wala pa siyang niligawan na hindi niya napasagot," Enzo.
"Sabagay," pagsang-ayon naman ni Zander at Darren.
ALAS-OTSO na nang magsimula kaming mag-inuman dahil bumili pa kami ng maiinom sa kanto. Mabuti na lang at may bukas pang tindahan.
Pagkaubos namin ng tig-iisang bote ng beer ay hinamon na nila akong tawagan si Job.
"Anong sasabihin ko? Hindi naman sasama iyon eh. Kayo na nga lang kasi ang magsama ng mga babae niyo. Huwag niyo na akong idamay,"
"Huwag mong sabihing titiklop ka sa Job na iyon?" si Alex.
Siyempre hindi pero ayaw ko lang kasing idamay si Job sa kagaguhan ng mga mokong na 'to.
Sinubukan kong tawagan ang numero niya ngunit hindi niya sinasagot kaya naman inagaw ni Alex ang aking cellphone.
"Ayaw niyang sagutin diba? Teka lang at magmemessage ako sa kanya. Sigurado akong sasagutin niya kaagad,"
Hinayaan ko na lamang siyang magsend ng mensahe kay Job saka niya ulit ito kinontak.
"Bakit ba? Anong kailangan mo na naman?”
Halata sa boses niya ang pagkairita kaya naman inagaw ko na ang cellphone kay Alex.
"Ah Sam, pwedw ba kitang yayain sa Sabado? Long ride tayo," nakangiting wika ko.
“What!” tanging sagot niya.
"Ang sabi ko gagala tayo para naman mapag-usapan natin yung tungkol sa ating report. Holiday naman sa Monday kaya may oras pa tayo para makapag-usap,"
Nakatingin lang sa akin ang limang mokong saka sila nagpipigil ng kanilang mga tawa.
"I have works to do. At saka kaya mo naman na yung report mo kaya hindi na natin kailangang pag-usapan. Bye,"
"Job teka lang,"
"Ano na naman? Kung may sasabihin ka pa, bilisan mo dahil matutulog na ako,"
Napakasungit talaga ng babaeng ito.
"Yun nga. Yayain sana kita," mahinang wika ko saka ako nagkamot ng aking ulo.
Pahamak ang mga mokong na 'to.
"I told you. Hindi ako pwedeng pumunta. I mean, ayaw kong pumunta. Kung gusto mong mag-unwind before the reporting then go. Wala akong pakialam," masungit na sambit niya saka niya pinatay ang tawag.
Kasabay nang pagbaba ko sa cellphone ay saka naman nangantiyam ang mga ugok.
"Mahihirapan ka nga talaga tol," pag-uulit ni Darren saka pa nakipag-apir kay Alex.
Ako naman ay tumungga ng alak mula sa bote nito.
"Iba iyang si Job. Hindi tulad ng mga babae mo dati. Isang aya mo lang sa kanila sige agad," si Zander.
"Parang nakahanap ka na ng katapat mo tol," si Enzo.
"Malay natin sa una lang siya masungit tapos bibigay rin balang-araw," si Renz.
"Hayaan niyo na nga. Maissue na naman kayo. Kapag ayaw niya, ayaw niya talaga. Huwag niyo nang pilitin,"
"Teka nga lang! Bakit kapag tungkol sa Job na iyon ganyan ka. Umamin ka nga sa amin? May gusto ka na ba sa kanya?" si Alex.
"Oo nga. Hindi ka naman ganyan noon ah," si Zander.
Naku! Pinagkaisahan na naman ako ng mga kumag na ito.
JOB
NAGULAT ako sa biglang pag-aya sa akin ni Philip. And hindi ko ma-gets yung reason niya dahil nga nagkanya-kanya naman na kami ng report kaya nang pilitin niya ako ay pinatay ko na ang tawag saka ako humiga.
Anong akala niya sa akin? Basta-basta na lang madadali ng mga patibong niya? Very wrong.
Pagkapikit ko ay saka naman tumunog ulit ang aking cellphone.
Tiningnan ko ang screen nito at may text galing kay Paul.
From: Paul
Hi Job! Just wanna say good night. Sweetdreams.
Ito ang laman ng kanyang text with matching heart-heart pa.
Gosh! Ito na nga ba talaga ang kilig?
To: Paul
Hey Paul. Good night din. Sweetdreams.
Sent
My gosh! Huwag mo muna akong pakiligin nang pakiligin Paul. Di pa ako ready eh.
I WOKE up at 5:30 in the morning dahil sasabay na naman ako kay kuya kahit alas-otso pa ang klase ko.
"Good morning po," bati ko sa kanilang lahat na nasa kusina.
"Good morning din anak. Ang aga mo naman yata?" tanong ni Mama.
"Sasabay po ulit ako kay kuya Ma," sagot ko saka ako nagtungo sa lababo upang maghilamos.
"Magkape ka na dito. Ipinagtimpla na kita," saad ni Mama.
After kong kumain ng pandesal at uminom ng kape ay naligo na rin ako sa CR ng aking kwarto dahil kasalukuyan nang naliligo si kuya. Baka mamaya niyan mapang-iwanan pa ako.
"MA, PA, alis na po kami," rining kong paalam ni kuya pagkababa konng hagdan kaya naman nagpaalam na rin ako sa kanila.
"May alas-syete ka bang class? tanong ni kuya pagkasakay ko ng sasakyan.
"Wala kuya. Mamayang alas-otso pa,"
"Eh bakit ang aga mong pumasok?"
"Wala. Gusto ko nga kasing makisabay sa 'yo,"
Ngumiti naman si kuya sa sinabi ko. Isang nakakalokong ngiti.
"SUSUNDUIN mo ba ako later?" tanong ko pagkatigil ng sasakyan sa harap ng school.
"I will call you later. Baka kasi mag-overtime na naman. Not sure,"
"Ikaw kuya ha. Ilang araw mo na akong hindi nasusundo,"
"Pero araw-araw ka namang may pagkain. Huwag ka nga. Babawi na lang si kuya,"
"Okay. Noted. Drive safely. I love you,"
"I love you more. Aral nang mabuti ha," pahabol niya pagkababa ko kaya nagthumbs-up na lang ako.
Pagka-alis ni kuya ay pumasok na rin ako sa loob ng school.
Wala pa namang masyadong tao kay tumambay na lang ulit ako sa Educ. Park.
Inilabas ko ang aking notes upang pag-aralan ang report ko sa Rizal for nextweek. Holiday pala sa Monday so Tuesday na ang reporting.
"Leonor Rivera is one of the girls sa buhay ni Rizal," saad ko nang biglang. . .
"And his greatest love,"
Nilingon ko ang nagsalita sa likuran ko at nakita kong si Philip iyon.
Bakit na naman ba siya nandito?
"Good morning Job," bati niya saka siya umupo sa harapan ko.
"Ngumiti ka naman diyan. Ang aga-aga bad mood ka na," dugtong niya.
"Pwede ba umalis ka na rito. Mamaya niyan sugurin na naman ako ni Anica,"
"Hindi ka naman niya masasaktan,"
"Paano ka naman nakakasiguro? Pwede ba Philip lubayan mo na ako. I-text mo na lang sa akin kung may kailangan ka about sa report natin dahil hindi ako komportable kapag nasa paligid kita. Pakiramdam ko ang gulo ng buhay ko dahil nadadamay ako sa gulo niyo,"
"Grabe ka naman. Makikipagkwentuhan lang naman ako. Napakasungit mo,"
"Ms. Job Mendoza and Mr. Philip Jacinto, pinatatawag po kayo sa Guidance office,"
"Ano!"
End of Chapter Eleven