Chapter Twenty- Three JOB “ANO namang pag-uusapan natin? At saka hindi kita magets ngayon. Napakasungit mo hoy. Umayos ka nga,” saad ko dahil para na siyang ewan sa ginagawa niya. “Nakakabadtrip kasi si Mama eh. Umagang-umaga tinatakan na ako. Ano bang pakialam niya kung gumala ako nang gumala. Wala namang masama dahil kaya ko naman na ang aking sarili. Malaki na ako,” sagot niya. “Siguro ayaw niyang gumagala ka. At saka bakit ka ba nababadtrip eh nanay mo naman iyon. Alam mo bang masama kapag kinagagalitan moa ng iyong mga magulang dahil sila ang nagbigay ng buhay sa ‘yo,” “Hindi mo kasi ako maintindihan dahil hindi ka siguro pinagagalitan ng Papa at Mama mo,” “Talagang hindi dahil hindi naman ako nagpapasaway sa kanila. Hindi tulad mo na,” inis na sagot ko. “Oy hindi naman ako na

