Chapter Thirty- Seven JOB DAHIL wala naman na akong klase ay bumalik ako sa classroom dahil nakalimutan ko yung isa kong notebook. Pagkakuha ko nang iyon ay naglakad na rin ako palabas ng aming department. Dahil wala pa naman si Kuya ay naupo muna ako sa bench na nasa ilalik ng punong Mangga sa tapat ng mismong department namin. Kagaya ng lagi kong ginagawa kapag bored ako ay nakikinig ako ng worship songs. "Job," rinig kong tawag ng lalaki sa akin. Paglingon ko ay papalapit na sa gawi ko si Jayvie. "Ah bakit?" tanong ko nang makalapit siya sa akin. "Uuwi ka na ba? Sumabay ka na sa akin," Hah? Ano nakain niya? "Ah ano, hinihintay ko kasi si Kuya. Susunduin niya ako rito," naiilang na sagot ko. "Ah ganoon ba, eh di magmeryenda na lang muna tayo habang wala pa siya," "Naku huwa

