Chapter Two

3467 Words
Chapter Two PHILIP “TOL, first time yun ah,” natatawang ani Alex. Nalaman kasi niya sa ibang kaibigan namin ang nangyari sa CTE at kinakantyawan niya ako dito sa aming tambayan. “Putcha tol! Sa lahat ng babae dito sa campus, siya lang ang may malakas ang loob na gumanun sa akin. Humanda ang babaeng iyon,” “Gago! Ano na namang gagawin mo sa kanya? Tanggapin mo na lang kasi na hindi lahat ng babae dito sa campus ay kaya mong paikutin,” “Nagkakamali ka tol. Kayang-kaya kong paikutin yun,” “Bahala ka nga Philip. Ang dami mo nang napaiyak na mga babae. Hindi ka ba naaawa sa kanila kapag sila ay nagmamakaawa sa 'yo?” sermon niya sa akin. “Alam mo tol, matatalo ka kasi kapag nagseryoso ka. Hayaan mo silang mag-unahan sa akin. Ganun talaga kapag guwapo,” saad ko saka ako kumindat. “Bahala ka diyan. Halika na nga. Malapit nang magsimula yung next subject natin,” “Sino ba ang Professor natin diyan? Ayaw ko sa boring,” “Siraulo! Si Dean Manansala yun. Gusto mo bang bumagsak sa subject niya? Pwes! Ako, hindi,” “Gag*! Wala naman akong sinabing ayaw ko. Tara na at nang makauwi na tayo. May basketball pa mamaya,” Nag-attend nga kami sa last subject namin ng hapong iyon ngunit dahil nakakabagot ay nagpaalam akong iihi pero ang totoo ay nagpunta na ako sa aming tambayan. Wala naman kaming ginawang iba maliban sa walang sawang pagpapakilala sa harapan at pagsusulat ng lint*k na syllabus na yan ngunit dahil nakakatamad magsulat ay syempre kinukuhanan ko na lang ng litrato. Ayaw ko namang pagurin yung sarili ko ano. “O ano na? Half court na ba?” agad na tanong ko sabay tanggal sa suot kong Puting polo. Nauna na kasi dito sa basketball court ng barangay Canaan ang iba naming nga kaibigan dahil sa kabilang section sila at kami lang ni Alex ang nasa iisang klase. Ang tambayan namin ay sa lumang pavement na nasa likod lang ng aming eskwelahan. “Nandiyan na si 'Boy Cutting Class'. Nasaan si Alex?” ani ni Renz nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanila. Si Renz ay ang pinakamayaman sa aming anim dahil ang mga magulang niya ay nasa ibang bansa kung kaya't nakukuha niya kaagad ang kanyang mga gusto. “Nasa classroom pa. Kasalukuyan pang nangongopya ng punyetang syllabus na yan. Nakakatamad kaya umalis na ako,” sagot ko saka naupo sa may bench at nilaro ang hugis parisukat kong face towel na kulay Blue. “Aba! Nagbabago na talaga ang gagong iyon. Eh ikaw kailan?” tanong ni Zander. Si Zander naman ay anak ng kapitan sa aming barangay. Siya ay matino sapagkat takot siya sa kanyang ama. Sana all kasama pa ang ama. Ako kasi, hindi na. Wala na ang Tatay ko dahil sa kagagawan ng Nanay ko at ang kanyang kinakasama ngayon. Hindi naman ako pinababayaan ng aking ina lalo na pagdating sa pera ngunit hindi ko lang matanggap na siya, o sila ang naging dahilan nang maagang pagkawala ng aking ama. Kung ginusto ko lang na magpunta sa abroad at manirahan sa aking lola ay ginawa ko na pero ayaw kong iwan ang Mama ko. Ayaw ko sa lalaking kinakasama niya. Kung maaari ay ayaw ko siyang makita ngunit wala akong choice kundi ang makasama siya sa iisang bubong. “Wala naman akong dapat baguhin ah. Masaya ako sa ginagawa ko. Dapat kayo ang magbago dahil puro kayo bulakbol,” natatawang saad ko. “Huwaw Tol! Hiyang-hiya naman kami sa 'yo, good boy ka na ba?” singit naman ni Darren. Si Darren ang kaibigan naming nag-eexcel sa kanilang klase. Magaling kasi siya kaya palaging mataas ang kanyang mga marka. Working student din siya dahil gusto niyang makatulong sa kanyang mga magulang. May kaya naman sila ngunit mas gusto niya pa rin yung may naiipon siyang kahit kaunti dahil may gusto siyang iregalo sa kanyang sarili. Si Alex ay ganun din ngunit muntikan na niyang mapabayaan dahil sa kanilang naging hiwalayan ng kanyang nobya. Tapos nagkabalikan din lang naman. Mga baliw sa pag-ibig. “Oo naman. Gago! Nga pala, nasaan si Enzo?” Si Enzo ay isa pa naming kaibigan na seryoso sa pag-ibig. “Saan pa nga ba? E malamang sa malamang ay naglalampungan na naman sila ng kanyang nobya. Parang hindi mo naman kilala ang gagong yun,” sagot ni Darren. Ngumiti na lang ako bilang reaction sa sinabing iyon ni Darren. Malamang, darating na naman mamaya si Enzo na may lipstick sa leeg o di naman kaya ay love bite. Tumayo ako at kinuha ang bola sa may gilid. Habang nagdidribble ako ay sakto namang dumating si Alex at may bitbit pa itong softdrinks pati na ang kanyang notebook. “Gago ka talaga tol! Ang paalam mo ay iihi ka lang tapos nandito ka na pala. Tinanong ka pa naman ni Dean Manansala. Bakit daw ang tagal mo,” “Ano bang pakialam ng Professor na yun? Type niya siguro ako kaya niya ako hinahanap. Pakisabi tol hindi ko siya type. Maghanap na lang siya ng kaedad niya,” natatawang sagot ko. “Tar*ntado!” malutong na mura niya sa akin. “Philip!” sigaw ng isang babae. Itinigil ko ang pagdidribble ng bola at nakita kong papalapit sa akin si Krizza, ang ex nobya ko. Hindi ko siya pinansin at ipinapatuloy ko ang ginagawa ko. Tumigil lang ako nang tuluyan na siyang makalapit. “Anong problema mo?” walang emosyong tanong ko. “Anong problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko. Bakit ganun na lang kadali sa 'yo ang lahat? Bakit ganun mo na lang ako iwan?” aniya sabay duro sa akin. “Wala ng tayo Krizza. Kaya pwede ba tantanan mo na ako. Kita mong may ginagawa ako diba? Umalis ka na lang dahil wala akong panahong makipag-usap sa…,” Natigil ako sa pagsasalita nang dumampi ang malutong na sampal sa kanang pisngi ko. Ang kulit kasi ng babaeng 'to. Sinabi ko na ngang ayaw ko na tapos pipilitin pa ako. Putcha! Ang sakit nang pagkakasampal niya sa mukha ko. Nilingon ko ang mga kaibigan ko at itinatago nila ang tawa sa kanilang mga mukha. Masaya kasi sila kapag nakikita nila akong nakakarma. “Pwede ba Krizza tama na! Umalis ka na lang. Ayaw kong makipagtalo sa 'yo,” saad ko habang nakahawak pa rin ako sa pisnging dinapuan ng palad. “Ano ba ang nakita mo sa babaeng yun na wala sa akin? Mas magaling ba siya?” mangiyak ngiyak na tanong niya. Ibinagsak ko ang bola sa gilid niya dahil naririndi na ako sa boses ng babaeng 'to. “Oo! Kaya tigilan mo na ako dahil malayong mas magaling si Anica kaysa sa 'yo,” Si Anica ay ang nobya ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit babae ang unang gumagawa ng move para pansinin ko sila. Hindi sa pagmamayabang ngunit yun ang totoo. Pinapakita ko naman ang tunay kong ugali. Isa akong malupit na babaero ngunit patuloy pa rin sila sa pagpapakita ng kanilang intensiyon. Sabagay, palay na nga kasi ang lumalapit alangan namang hindi ko pa tukain, diba? “Talaga? Okay fine, I will make sure na ikaw din ang magsasuffer sa huli. Let us see Philip,” aniya saka ako tinalikuran. “Wala akong pakialam sayo!” sigaw ko. Hiniwalayan ko na nga siya dahip ayaw ko sa ugali niya. Masyado siyang madikit sa akin. Masyado siyang demanding na kesyo ayaw niya ng ganito, ayaw niya ng ganyan. Nakakasakal at ayaw na ayaw ko ng ganun. Hindi pa nga kami mag-asawa tapos kung umasta siya parang nagsasama na kami sa iisang bubong. Hindi pwede sa akin yun boi. Ekis! “Ano na naman ba yun?” ani Alex. “Ano pa eh di magpapaiyak na naman ng babae. Palibhasa kasi hindi marunong magseryoso ang tarantadong yan,” sabad ni Darren. Sa aming anim, ako lang ang babaero. Hindi ko alam pero ayaw kong magseryoso sa buhay dahil nawalan na ako ng gana sa mga bagay na yan simula nang magloko ang aking ina. Mapababae o lalaki man yan, kapag ginustong kumaliwa, kakaliwa. “Wala sa bokabularyo ko ang salitang 'seryoso' mga tol. Alam niyo yan, kaya pasensiya na lang sila,” wika ko saka ako ngumisi nang bahagya. NANG matapos kaming maglaro ay pumasok ulit kami sa loob ng university. “Hi Philip,” bati sa akin ng babaeng nakasalubong ko ngunit hindi ko pinansin kaya duniretso na lang ako sa may bench sa area na pagitan ng aming department at ng education. “Himala yata mga tol. Hindi sumakay ang gagong to,” ani Zander. “Wala sa mood yan kaya ganyan. Mabuti nga yun para mabawas-bawasan man lang ang mga babaeng pinaiiyak niya,” sabad ni Alex. Kilalang-kilala na talaga ako ng mga kaibigan ko. Totoo yun, kung wala ako sa mood, kahit maghubad pa sila sa harap ko wala akong pakialam. Ang pakikipaglandian ay nakadepende sa trip ko. “Biro lang. Pero alam mo nkita ko kanina yung ultimate crush ko. Mas lalo pa siyang pumogi girl kaso napakadikit niya sa jowa niya. Ano yun linta-lintahan?” rinig kong sabi ng isang babae sa di kalayuang upuan. Tumawa pa sila dahil sa kanilang pinag-uusapan. Nilingon ko sila at nakita ko si Job na tumatawa ngunit nawala iyon nang mabaling ang tingin niya sa gawi ko at nagtama ang aming mga mata. Pinagtaasan lang niya ako ng kilay na senyales ng mga salitang 'anong tinitingin-tingin mo'. Imbes na sa alisin ko ang pagkamatitig sa kanya ay hindi ko ginawa. Mas lalo ko siyang tiningnan sa mata hanggang sa siya na nga ang umiwasng tingin. “Hoy Philip! Ano na namang ngiti yan? May prospek ka na naman ba? Naku po,” ani Alex. Tatlo na lang kasi kaming magkakasama dahil may kanya-kanyang business na naman ang tatlo pa naming mga kaibigan. “Wala naman,” simpleng sagot ko. “Eh bakit panay ang tingin mo sa gawing iyon? Alam ko na, type mo yung babaeng nakaupo sa kanan no?” ani Enzo. Si Job ang tinutukoy niyang type ko dahil siya ang nakaupo sa kanan. “Pwede at susubukan kong paamuin,” “Paamuin? Bakit?” “Kasi, mala-tigre ang babaeng iyon. Nagkasagutan sila kanina kaya yun gusto ng isang 'to ang gumanti,” natatawang sabad ni Alex. Hindi kasi ako makapaniwala dahil sa inasal niya kanina. Sa lahat ng babae dito sa campus, siya pa lang ang ganun. Mukhang hindi nasindak sa akin. “Tigre man, alam kong mapapaamo ko ang babaeng iyan. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang niya,” saad ko saka ako tumayo at nagtungo sa kanilang puwesto. Umupo ako sa tabi niya saka ko siya inakbayan na ikinagulat ng kanyang kasama at maging siya. “Alisin mo yang kamay mo diyan,” masungit na ani Job. Dahil makulit ako, nanatili ang kamay ko sa kanyang balikat. “Hindi mo ba ako namis? Babe naman. Sorry na kung ngayon lang ako nagpakita,” saad ko. Kagaya nung una, gulat ang naging reaksiyon nito at maging ang kanyang kaibigan na nakaupo sa harap namin. “I will leave you muna. Mag-usap muna kayo. Girl, parang need din nating mag-usap later,” wika ng kaibigan niya saka tumayo. “Bes, hindi ko nga alam kung ano yung sinasabi ng isang to,” paliwanag niya saka pinipilit niyang tanggalin ang aking kamay sa kanyang balikat. “Ano ba Babe? Sorry na,” malambing na saad ko. Ngumiti ang kanyang kaibigan saka umalis. “Ano bang problema mo? Bitiwan mi nga ako. Hindi ka nakakatuwa,” “Bumabawi lang ako,” Si Job naman ay sinisiko ako sa tagiliran ngunit hindi pa rin ako nagpatinag. “Philip, ano ang ibig sabihin nito!” rinig kong bulyaw sa akin ng babae. Nilingon ko siya at nakita ko si Anica na papalapit sa amin. Paktay! “Sino yang malanding babaeng yan?” “Sorry Miss ha pero itong lalaking 'to ang lumapit sa a…,” pinutol ko ang sinasabi ni Job sa pamamagitan nang paghalik ko sa kanyang mga labi. “How dare you Philip! Sa harapan ko pa talaga?” wika ni Anica. Humiwalay din ako kaagad kay Job ngunit bago ko ibinaling ang tingin ko kay Anica ay kinindatan ko muna siya. Ang lambot ng kanyang mga labi. Putcha! “Anica, I am sorry pero tapusin na natin kung ano man ang meron tayo,” diretsong saad ko. “What Philip? After all? Bakit? Yang malanding babaeng yan ba ang ipinagpalit mo sa akin? Gosh! Mas maganda ano kesa sa kanya!” “Anica ple..,” Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil dumapo na sa akin ang isang malutong na sampal. “E..excuse me lang ha. Wala akong kinalaman diyan. Aalis na ako,” Mabilis pa sa alas kwatrong hinabol ni Anica si Job at hinawakan ito sa kanyang buhok. “Saan ka pupunta? Panira ka ng relasyon!” sigaw niya kaya mabilis ko siyang inawat. Patay na! Nang mahawakan ko ang kanyang kamay ay kaagad ko siyang inilayo kay Job. “Ano bang problema mo Anica? Hindi ka ba nakakaintindi? Nakakahiya ka!” “Ako pa talaga Philip? Ako pa talaga ang nakakahiya?” “Oo! Wala ka nang magagawa dahil yun ang desisyon ko. Layuan mo na lang ako,” “What? Ilang araw pa lang tayo pero kung hiwalayan mo ako segundo lang ah. Ang bilis. Tang-*na mo! Hindi pa tayo tapos Philip,” aniya saka siya tumalikod at umalis. Mabuti na lamang at iilan lang kaming nandito sa areang ito. Nilingon ko ang aking mga kaibigan at umiiling-iling na naman sila habang nakangiti. Gumanti lang naman ang plano ko eh, bakit ba kasi dumating pa itong si Anica? Panira naman oh. NANG makaalis si Anica ay nilapitan ko si Job at parang nakonsensiya ako dahil tulala siya at hawak-hawak niya ang kanyang pisnging nasampal din ni Anica. “Okay ka lang ba? May masakit ba sa…” Pusang-gala naman oh! Pangalawang beses na akong makakatikim nang malutong na sampal. Mas masakit nga lang itong sampal na galing kay Job. “Yun ba yung sinasabi mong bawi? Puwes bawing-bawi ka na dahil napahiya na ako. Akala tuloy nila isa ako sa mga babae mo! Hindi ako ganung klaseng babae. Masaya ka na ba? Masaya ka na bang sa wakas ay magkakaroon na ako ng issue dito sa campus natin?” wika niya habang nangingilid na ang kanyang mga luha. “Sorry Job. Hindi ko naman alam na pupunta dito si Anica. Pasensiya ka na. Aasarin lang sana kita,” “Huwag ako Philip,” mahinang aniya saka siya tumalikod at umalis. JOB HINDI NA ako makapagpokus pa sa sumunkd naming mga subject dahil sa pang-aasar sa akin ng lalaking iyon. Mabuti na lamang at wala kaming ibang ginawa kundi ang kumopya ng syllabus. Hanggang sa matapos na nga ang aming last subject ay tumambay muna kami sa Education park. “Bes kanina ka pa nakasimangot diyan. Dahil ba yan sa pang-aasar sa 'yo ng ultimate heart-throb ng campus?” tanong ni Hazel pagkaupo namin sa may bench. “Nakakainis kasi. Anong akala niya? Makukuha niya ako dahil sa mga galawan niyang ganun? Alam mo namang hindi mga ganung lalaki ang tipo ko diba?” “Pero kung ako ang liligawan niya girl, papayag ako,” sabi ng kaibigan ko saka pa nagpuppy-eyes. “Baka gusto mong sabunutan kita ngayon din?” “Biro lang. Pero alam mo, nakita ko kanina yung ultimate crush ko. Mas lalo pa siyang pumogi girl kaso napakadikit niya sa jowa niya. Ano yun linta-lintahan?” “Sino? Yung Criminology student? Si Enzo o si Alex?” mahinang sambit ko. “Si Alex. Ang akala ko nga ay hiwalay na sila, I mean yung hindi na sila magkakabalikan pero akala ko lang pala,” “Para kang ewan. Magkakacrush ka na nga sa may jowa pa. Gusto mo bang maging third party?” wika ko saka ako tumawa. Natigil kami sa aming tawanan nang biglang may lalaking umupo sa tabi ko saka ako inakbayan. Nailang ako dahil doon. Hindi ako nakareact kaagad dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Nang marealize kong mali yun ay tinangka kong alisin ang kanyang kamay ngunit mas lalo pa niyang hinigpitan iyon. Hanggang sa nagpaalam na nga ang aking kaibigan dahil mukhang may pag-uusapan daw kami ng lalaking nasa aking tabi. I tried to explain pero nang dahil sa lalaking manyak na ito ay parang nagkasala ako sa mga magulang ko at sa kaibigan ko. Patuloy ko siyang sinisiko para umalis na pero mas malakas siya kaysa sa akin, hanggang sa dumating nga ang babaeng hindi ko kilala. Hindi naman siya taga Education department. “Sino yang malanding babaeng yan?” sigaw niya. Wait? Ako ba yung tinutukoy niya? Kaano-ano ba ng mayabang na lalaking 'to ang babaeng makasigaw ng malandi? Pero alam ko na ako yun dahil itinuro niya ako kaya sumabad na ako. “Sorry Miss ha pero itong lalaking 'to ang lumapit sa a…,” naputol ang sasabihin ko dahil may biglang dumamping labi sa labi ko. Shet! This is my first kiss. Ang bilis! Honestly, hindi ako nakaimik at hindi ako nakagalaw kaagad. Nafreeze ako dahil sa ginawang iyon ni Philip. Bakit niya ako hinalikan para saan iyon? “How dare you Philip! Sa harapan ko pa talaga?” wika ng babae. “Anica, I am sorry pero tapusin na natin kung ano man ang meron tayo,” diretsong saad ni Philip. So magkarelasyon pala sila? Shocks! Nagkaroon tuloy ako ng issue ng di oras. Nagkasagutan sila kaya nagpaalam na ako dahil wala naman talaga akong kinalaman sa pag-aaway nila. Ni hindi ko nga alam na mananakaw ang first kiss ko ngayong araw na 'to. My gosh! I hate this. Ngunit sa hindi ko inaasahan ay pinanggigilan ako ng babaeng yun. Nahila niya ang buhok ko saka niya ako sinampal, mabuti na lamang at may umawat. Nakakagulat ang mga nangyayari. Wala naman akong ginagawa. Wala akong kasalanan. Isa lang akong ordinaryong tao na kahit kailan ay hindi nagkainteres sa mga lalaking mayayabang. Dahil sa pagkabigla ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Unang beses na mangyayari sa buhay ko ang ganito. Diyos ko! Patawarin niyo po sana sila. Nakatayo lang ako at hindi ako makagalaw nang maayos. Nahihiya na rin ako dahil mukhang maraming mga mata ang nanonood sa amin. Nang lapitan niya ako ay binigyan ko rin siya ng isang sampal. Siya ang may kasalanan sa nangyaring ito. “Yun ba yung sinasabi mong bawi? Puwes bawing-bawi ka na dahil napahiya na ako. Akala tuloy nila isa ako sa mga babae mo! Hindi ako ganung klaseng babae. Masaya ka na ba? Masaya ka na bang sa wakas ay magkakaroon na ako ng issue dito sa campus natin?” Kung hindi sana siya lumapit sa amin, hindi sana ako madadamay sa away nilang magjowa. Nakakabanas! Ano ang tingin niya sa akin? Kagaya ng mga babaeng nakukuha niya sa santong paspasan? Hindi ako ganung tao. Umalis ako at iniwan ko siyang nakatayo dahil hindi ko na macontrol ang emosyon ko. Naiiyak ako dahil sa mga nangyari, dahil sa kahihiyan. Paniguradong kinabukasan ay magiging usap-usapan na iyon dito sa campus. Ano na namang ipapaliwanag ko sa mga magulang ko? Sasabihin ko bang hinalikan ako ng lalaking hindi ko naman kilala? “O, parang paiyak ka na yata bes? Ano ang nangyari sa 'yo?” nag-aalalang tanong ni Hazel. “Ikaw kasi, kung hindi ka sana umalis e di may nagtanggol sa akin. Nakakainis ka naman eh,” “Sorry, ano bang nangyari? Nag-away ba kayo ng jowa mo?” natatawang saad niya. “Anong jowa yang pinagsasasabi mo? Hindi ko naman jowa yun at kung meron man, ikaw naman ang unang makakaalam. Alam mo bang sinampal at sinabunutan ako ng girlfriend niya tapos wala man lang akong nagawa,” “What? Wait, you mean hindi mo siya jowa? Eh bakit may paakba-akbay siya sa 'yo. Bakit may babe na endearment? And sino yung babaeng yun na nanakit sa 'yo at kakalbuhin ko,” “Hayaan mo na. Hindi ko rin naman kilala yun. Eh kung hindi ka sana umalis, naipaghiganti mo ako,” “Sorry na girl. Sa susunod na lang. Pero bakit ka niya sinabunutan? Nakita niya ba kayo ni Philip?” “Oo, and worst, hinalikan niya ako sa harap niya mismo,” Halos malaglag siya sa kanyang kinauupuan dahil sa sinabi kong iyon. “Shocks ka Job! First kiss mo yun diba?” “Oo, ano pang magagawa ko? Ninakaw na niya. Sabi ko pa naman na sa boyfriend ko lang dapat,” “Eh anong pakiramdam?” “Basta hindi ako nakaimik at nakagalaw dahil sa pagkabigla ko,” “Lagot ka kay Pastor. Malalaman at malalaman niya yan,” “Kinakabahan nga ako eh. Abangan mo bukas bes, for sure sisikat ako,” “Gaga! Eh di kung may magtanong, sabihin mo yung totoo,” Natigil ang pag-uusap namin ni Hazel nang magring ang phone ko. Si Kuya Christian iyon, tumatawag. “Sige kuya, mag-CCR lang ako. Hintayin mo na lang ako diyan sa labas,” saad ko. Susunduin niya kasi ako at nandoon na siya sa labas ng university. Si Hazel kasi ay pinauna ko na sa labas dahil sasabay din siya sa amin. Mainitin kasi ang ulo nun kapag naghihintay. Mabilis akong nagtungo sa CR na nasa Education department. Hapon na kasi kaya wala nang masyadong tao. Pagkatapos kong umihi ay naglakad na rin ako sa may corridor para makauwi na rin. Habang naglalakad ako ay pinupunasan ko ang aking kamay gamit ang aking panyo nang biglang…… “Huwag kang sisigaw,” End of Chapter Two
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD