Chapter Forty- Six MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN. . . PHILIP MATAGAL na rin akong iniiwasan ni Job. Halos isang buwan na simula nang malaman kong may gusto na rin siya sa akin at halos gumuho ang mundo nang sabihin niyang hindi kami pwede. Bakit? Dahil ba hindi ako relihiyoso? Dahil ba hindi ako palasimba? Tang-*nang rason kung ganoon man. Pero syempre hindi pa rin ako tumitigil sa pagpaparamdam sa kanya kahit na iniiwasan niya ako. Natapos ang reporting namin sa Rizal subject nang hindi kami nagpapansinan o mas gusto kong sabihin na, ayaw niya akong pansinin at kausapin. Mabuti na lang at naalala ko pa ang kanyang mga sinabi kaya naman maayos ang kinalabasan ng aming gawain. Sa tuwing nakikita ko siya sa malayo, nasisiyahan na ako. Dahil oras na nilapitan ko siya, hindi ko na makikita

