"I'm afraid Silvestre has a point, Vanessa." seryoso akong tiningnan ni Kyro sa rear view mirror, nakapatong ang baba sa likod ng mahahabang daliri. Malinis ang pagkaka-gel niya sa buhok na naka-brush up. Litaw na litaw talaga ang kakisigan niya kapag ganitong hindi nagbibiro. "April is rather dangerous. Life threatening, I must say. Kung iintindihin natin ang poot niya sa pagkawala nina Mr. and Mrs. Lazaro, hindi imposible na hindi lang siya sa'yo o sa lolo mo maghiganti kundi sa buong pamilya ng De La Sierra." "Which is why I'm here, sticking close to my family." "Na wala ring maitutulong kung tutuusin." "Kyro." saway sa kanya ni Silvestre na nagmamaneho, pinanlisikan ng mata ang nakatatanda sa kanya at solong anak ng mga Buenavista. "What? Nagsasabi lang ako ng totoo. And please,

