CHAPTER:TWO
Nang tumayo ako para lapitan ang nakikita kung kubo namimilog aking mga mata na may malamig na kamay dumampi sa aking balikat.
Hindi ko maigalaw aking katawan sa sobrang takot ko, unti-unti ako lumingon para makita ko kung sino humawak ng aking balikat.
Laking gulat ko isang lalaki na matangkad naka sumbrero siya.
Nang binaba n'ya ang kanyang sumbrero na wawala tuloy takot ko dahil na paka gwapo pala nito.
"Ano'ng ginagawa mo dito babae.?"
"G-gusto ko sana tingnan kung sino nakatira dyan sa may kubo Kuya."
Pa utal-utal ko sagot sa kanya.
"Hindi ka puwede lumapit dyan bawal ang ibang tao pumasok sa aming tahanan."
"D'yan ka nakatira Kuya?"
Tanong ko sa kanya.
"Oo, diyan ako nakatira, Ano ginagawa mo dito? sa isang lib-lib na lugar."
"Hindi naman kalayuan bahay namin dito Kuya."
Wika ko naman sa kanya.
"Ah... gano'n ba, magkapit bahay lang pala tayo, puwede ko malaman pangalan mo?"
"Aysuda pangalan ko Kuya, ikaw sino pangalan mo?"
"Ricks, pangalan ko,ganyan ba sinusuot n'yo dito Aysuda?"
"Oo Ricks, ganito talaga sinusuot ng aming tribo, minsan nagsusuot rin kami damit ka gaya sa inyo, pero wala kasi kami pambili, umaasa lang kami na may magbibigay sa amin."
"Aysuda, puwede ba 'wag mo sabihin sa mga ka tribo n'yo may nakatira dito?"
"Sige Ricks, bakit ayaw mo ipaalam ko sa aking Papo?"
"Basta ' wag mo na sabihin sa kanila."
"Sige, kung 'yon gusto mo Ricks,"
"Umalis kana dito Aysuda baka may makakita sayo."
"Sige, puwede pa tayo magkita ulit Ricks?"
"Oo pero 'wag ka ng babalik dito ha...' yong malayo dito tayo magkikita."
"Pero, saan tayo puwede makita Ricks?"
"Alam ko na may nadadaanan ka ba isang malaking ilog papunta dito?"
Iniisip ko kung saan.
"Ah, may naalala na ako kanina habang naghahanap ako makain may nadaan ako malaking ilog. Sige doon nalang tayo magkikita ulit, paano nga pala kita malaman na doon kana?"
May isinulat siya sa isang papel at binigay sa akin.
"Ano ito Ricks?"
"Nakalagay dyan ano oras tayo magkikita."
Natahimik ako at tinitingnan ko lang papel binigay n'ya sa akin.
"Ricks, wala ako maitindihan sa isinulat mo, 'di kasi ako marunong magbasa at sumulat."
"Nakalagay dyan t'wing hapon tayo magkikita, hintayin mo ako kung ikaw ang mauuna doon."
"Sige Rick, aalis na ako."
Nagtataka ako bakit ayaw ni Ricks na may makaka-alam sa tinitirahan nila.
Pero' di ko na iisipan 'yon ngayon lang ako nakaranas na may nakilala ako lalaki na hindi taga tribo namin natutuwa ako na hindi siya ka gaya sa kinikwento ni Papo sa amin na mapang-api ang hindi namin kalahi sa nakikita ko sa kanya maamong mukha na' mabait at hindi mapang-api.
Kung masama pa siyang tao baka kanina pa ako sinasaktan dito.
Pero siya pa nga nagsasabi sa akin na hindi na ako babalik do'n nawawala na tuloy pagka gutom ko 'di pa naman ako nagpaalam ng Papo baka kanina pa ako hinahanap nila nagmamadali na ako maka-uwi.
Pagdating ko nasa labas ang aking kapatid nagsisibak ng kahoy nakita niya ako.
"Ate, saan ka ba galing kanina ka pa namin hinahanap ng Papo 'di ba ang Sabi ko sayo sumunod ka sa akin."
"Susunod nasana ako sayo eh.., pagnatapos ako kumain pero pagpunta ko ng lamesa wala na laman tinakpan niyo ulam, kaya naisipan ko lumabas, pumunta nalang ako ng gubat para maghanap ng makakain."
"Dapat Ate nagpaalam ka man lang sa amin ni Papo kanina pa kaya kami naghahanap sayo papatulong sana kami sa pagtatanim para mabilis daw tayo matapos."
"Sorry Ytac may pagkain na ba tayo sa loob?"
"Akala ko ba Ate naghahanap ka na makakain do'n bakit ka nagtanong sa akin may makain tayo?"
"Wala ako nahahanap eh..naabutan nalang ako ng tanghali saan-saan na ako nakarating wala pa rin ako nahahanap kaya umuwi nalang ako."
"Kaya gutom na gutom ka ngayon Ate."
"Oo, kaya iiwanan mo na kita dyan."
Pumasok na ako sa aming munting kubo nakita ko si Papo hawak n'ya mga beads ginagawa namin iyang mga palamuti para maibinta namin sa aming bayan gumagawa din kami ng sandok gamit ang kahoy na materyal tinanong ako ng aking Papo.
"Saan ka ba galing Aysuda kanina pa kami naghahanap sa'yo?"
" Sa may gubat Papo."
"Ano'ng ginagawa mo don sinabi ko na man sa 'nyo 'wag kayo lagi magsusuot do'n marami mababangis na hayop sa kagubatan."
"Nagutom kasi ako Papo kaya pumunta na lang ako sa gubat."
"Bakit ka nagugutom kahit kapos tayo lagi 'di naman nawawalan ng pagkain dito sa ating kubo."
"Kakain na sana ako kanina, pagpunta ko ng lamesa wala ng ulam kinain ata ng pusa, dyan ka mo na Papo gutom na ako."
Pumunta ako para makakain dahil sobrang gutom na gutom ako na ngangatog na aking mga binti.
Sa wakas na tapos na ako kumain at lalabas mo na ako sa amin kubo para lumanghap ng sariwang hangin umupo na lamang ako sa lalim ng puno kahoy.
Huminga ako ng malalim iniisip ko bakit may nakatira sa pinakalib-lib na bahagi ng gubat 'di pa naman namin siya ka tribo, ang kanyang tindig ay iba sa mga tao sa bayan ang mga mata niya kulay blue maputi malayo sa' kulay ko
Dahil dalaga na ako binibilhan ako ng Papo na maayos na maisuot siya lang kasi lagi bumababa sa amin bayan para magbinta mga gawa namin 'di ko namalayan nasalikuran ko na pala ito si Ytac pinagmasdan lang n'ya ako.
"Ate, natutulala ka na naman ng galing kalang ng gubat ganyan na kinikilos mo palibhasa nalipasan ka,kasi ng gutom."
"Wag ka naman ganyan Ytac, nagmumuni-muni lang ako."
"Ano na naman mga iniisip mo Ate? lagi ka na lang natutulala."
"Wala lang iniisip ko paano natin tuparin ang pangarap na makapag-aral."
"Hayaan mo na 'yan ate, bukas pala sasama ako kay Papo araw kasi ng palengke tutulungan ko siya."
"Buti ka pa lagi ka isinasama sa bayan ni Papo, natatandaan ko kailan huli ako sumama sa bayan noong bata pa lang ako."
Malungkot kung sagot sa aking kapatid.
"Huwag na kayo malungkot Ate, hayaan mo sa sabihin ko kay Papo tayo dalawa na isasama niya sa bayan tutulong tayo sa pagtitinda."
"Talaga Ytac, sasabihin mo kay Papo na isasama n'yo na ako, naalala mo pa kwento sa atin ni Papo, nakaramihan ng taga bayan mga salbahi, baka nagkataon lang 'yon."
"Sige Ate, hayaan mo na ang Apo ayaw lang n'ya maranasan natin naranasan nila noon, sa tingin ko totoo din mga ikini-kwento ng Papo, masmarami salbahi sa kanila,t'wing kasama ko si Papo sa bayan matagal kami makakabinta iba kasi mga tingin nila sa amin para may sakit kami na kakahawa, pero meron naman din iilan na bumibili sa aming paninda.
"Oo, sundin nalang natin ang Papo, kung para naman sa kapakanan natin."
"Iwanan mo na kita dito Ate, tutulungan ko si Papo sa pag-iimbak ng tubig, magsaing ka na rin kasi malapit na magtakip silim papalubog na ang araw."
"Sige, bunso."
Sumunod na rin ako pumasok sa aming kubo sa akin nakatuka ang mga gawain sa loob ng bahay paminsan-minsan tumutulong ako sa kanila ni Papo.
Iniisip ko nanaman lalaki nakilala ko doon sa may gubat maganda hugis ng kanyang mukha at ang tangkad n'ya at maputi maysinabi pala siya sa akin na magkikita kami ulit tamang-tama wala sila bukas pupunta silang bayan kaya pupuntahan ko lalaking nagngangalan Ricks.
May-iba kaya nakatira doon impossible kung sila lang nakatira sa sobrang lawak ng gubat ang akala ko mga hayop lang puwede tumira ng gubat.
Hindi nagtagal umuwi na rin sila Papo at ang Bunso kung kapatid pero kasama nila mga pamangkin namin bakit kaya?
Nandito din sila Ate, may mga dala-dala sila mga ka gamitan buti nalang nakaluto na ako nilapitan ko s para tanungin.
"Oh! Ate bakit may mga dala kayo mga ka gamitan n'yo?"
"Dito mo na kami Aysuda."
Iyak na sagot ni Ate sa akin.
"Bakit ka nga ba umiiyak Ate?"
"Ang kubo kasi namin nasunog naglalaro kasi mga bata ng apoy."
"Ha! Ano nasunog Ate?
Gulat kung sagot sa kanya.
"Oo Aysuda, 'di ko kasi nakikita mga bata naglalaro na pala sila ng apoy."
Sabay tapik kanyang likuran pinapagaan ko na lamang kanyang nararamdaman.
"Tahan na Ate, gagawa nalang tayo paninabagong matirahan n'yo, dumito mo na kayo ng mga bata habang gumagawa ng bago kubo si Papo."
Buti nalang walang nasaktan sa kanila may maliit pa naman na sagol ang Ate ko naawa ako sa aking mga pamangkin wala na maisusuot na damit kaya kami na mo na ni Papo tutulong sa kanila.