Naitakip ni Maggy ang kamay sa tapat ng mukha habang palabas ng airport dahil sa init na tumatama sa mukha niya na parang naiirita siya at sasakit ang ulo niya. Hindi niya gusto ang klima ng Pilipinas pero wala siyang choice pilipino siya at kailangan niyang mahalin ang sariling bansa. "Aw!" reklamo niya ng may makabanggaan na isang babae at isang lalaki na nag-aaway na nilampasan siya mula sa likuran niya. Mag susuot sana siya ng shade kaso nabitawan niya itong dahil sa pag bangga sa kanya ng isang bulto dahil sa babae mukhang itinulak ang isang lalaki. "Does this airport look like a playground for you to be chasing each other around here?" mataray na tanong ni Maggy ng lalaki na mismo ang sumimot ng shades niyang nalaglag sa sahig. Habang tulala naman ang babae na nakatingin sa kanya

