Masama ang tingin na nag palipat-lipat ng tingin si Railey kila Travis at Maggy lalo na sa kamay ng mga itong mag kahawak sa ibabaw ng mesa. Nasa isang fine dining restaurant sila kaya parang gusto na lang mangatal ni Railey at hindi makagalit dahil sa maraming tao sa paligid. Nilingon niya ang asawa na mukhang may alam na sa relasyon ng dalawa dahil kitang kalmado ito, marahas na huminga ng malalim si Railey na inabot ang baso ng tubig. "Mani, mabubusog ka na sa tubig. Hindi ka pa nakain, hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo." wika pa ni Megan. "Isinumpa ba ako ng Papa mo?" tanong ni Railey kay Megan ng lingunin ito. "Ha? Bakit naman na isip mo nanaman si Papa?" "Binibigyan ako ng langit ng mga lalaking neary expiry." turo ni Railey kay Travis na gamit ang tinidor. "Sobra naman Dad!

