"Bakit kaya hindi ka na lang dito tumira?" ani Railey habang nag kakape sila kaina-umagahan daig pa nito ang guwardya sibil kagabi na naka bantay talaga sa lahat ng kilos nila ni Maggy. Binigyan siya ng basbas na patunayan kung malinis ang hanggarin niya kay Maggy pero bantay na bantay naman nito ang kilos niya. "Puwede ba?" "Gusto mo ikaw ang gawin kong beef tapa para sa umagahan." tanong naman ni Railey na sakto naman nag ring ang phone ni Travis dahil meron daw isang golden retreiver na manganganak kailangan daw i-CS emergency case na dadalahin sa clinic niya na ngayon ay bukas na ulit. Agad niyang sinabi na dalahin na at papunta na siya agad naman siyang nag paalam sa ama ni Maggy si Travis na nag mamadali ng umalis na pinayagan naman ni Railey. "Saan papunta si Travis?" "May manga

