"A pleasant morning, everyone!" bati ni Travis after siyang ipakilala ng MC ng event nila para new product launching ng company nila. Na dinaluhan ng mostly mga taga business world at mga taga high society clan na talaga naman bumabakas sa event na iyon ang pagiging glamorous at elegante. Basta pag dating sa mga event styling wala na siyang masasabi sa galing talaga ni Raine, mahal man itong sumingil pero makikita mo kung gaano kasulit ang bawat sentimo na ibabayad mo sa talent nito. Mula palang sa entrance mamangha ka na talaga sa ganda, black ang silver ang napili nitong theme. Ang daming gumagalaw na ilaw na parang disco light na nag papatingkad ng pagiging glamorous ng event. Mga mamahalin pa ang mga bulaklak na siyang center piece sa bawat table. Mga chandelier na nag kalat sa buon

