INISIP ni Yaminah na kaya sila pinagtitinginan ng mga tauhan pagdating nila ng palasyo ay dahil nanibago ang mga ito. Nang pababa na kasi sila ng eroplano ay kinuha ni Rashid ang kamay niya. Pinayagan niya ito dahil kailangan niya ng distraction. Hindi niya maintindihan pero parang kinakabahan siya. "Sabah al khair," bati ni Yaminah ng magandang umaga sa mga tauhan. Bumati rin ang mga ito pero walang kasigla-sigla. Napayuko rin ang mga ito pagkatapos. Doon na unti-unting nagkahinala si Yaminah sa kabang nararamdaman niya. Napakunot-noo siya. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon ang reaksyon ng mga tauhan. Nagkatinginan sila ni Rashid. Nakakunot rin ang noo nito. "P-parang may problema..." wika ni Yaminah. "Parang nga. But for now, we both need to prepare for the coronation. I'll se

