DAHIL sa nangyari kay Yaminah ay pinagpahinga pa rin siya ng Doctor. Pero dahil hindi naman siya makapagpahinga nang maayos habang walang kaalam-alam sa mga nangyayari ay hinanap niya si Rashid. Nakita niya ito sa study room. Alas onse na ng gabi. "Hey," Kahit mukhang abalang-abala sa harap ng laptop ay naggawa pa rin ni Rashid na lingunin si Yaminah. Maraming papers na nakatambak sa lamesa. Nilapitan ni Yaminah ang lalaki. Sinilip niya angg ginagawa nito. "Gabing-gabi na. Hindi ka pa ba tutulog?" "I'm working on a presentation. Ito 'yung compilation ng projects that I have lead in the country. Naisip ko lang na kapag ipinakita ko ito sa councils, kasama na rin ang mga witnesses ng mga taong natulungan natin ay makukumbinsi ko sila na worth it tayo para sa title." "They are giving us a

