MASAMA ang magkasakit. Pero blessing pala iyon para kay Rashid. Dahil roon, bumalik ang Yaminah na dating kilala niya---maalaga at maalalahanin. Bumalik ang taong nagpapakulay sa buhay niya. Bonus pa na naintindihan ni Yaminah ang lagay niya. Napapayag niya ito na pumunta sila sa isla na pag-aari nila ng kapatid na si Rocco. Maganda ang isla, pero hindi iyon kasing luxurious ng buhay na mayroon sila sa Saranaya. Sa isla, simpleng tao lang sila. May naitayong bahay roon pero hindi ganoon kaganda. Bungalow type lang iyon at mayroong dalawang kuwarto. Napakaliit lang noon kung ituturing sa buhay na nakasanayan na nilang dalawa ng asawa sa palasyo. Sa isla ay halos wala rin na pagkain. Kakaunti lang ang nadala nilang pagkain. Wala naman sa plano niya na magtagal. Gustuhin man kasi niya, alam

