"RASHID..." Naramdaman ni Rashid na nanginginig ang buong katawan ni Yaminah. Hinaplos ni Rashid ang mukha ng asawa. Pinilit niyang ngumiti kahit masakit ang nararamdaman niya. "I love you, Yaminah. Pero hindi pa ako ganoon katanga. Ilang oras pa lang pagkatapos mong sabihin sa akin na nasasaktan ka pa rin. Of course, you manipulated all this." Napalunok si Yaminah. "H-hindi ba puwedeng nakapag-isip ako? I even said I-I have realized I still love you---" "Pagkatapos mong makipag-usap kay Tariq? Naiintindihan ko ang pinag-uusapan niyo. Hindi ka makakalusot sa akin. Malinaw rin sa akin ang sitwasyon. Hindi ka lang pumunta rito sa Pilipinas para alagaan ako. Alam kong gusto mo rin na makumbinsi ako na bumalik. At malinaw pa rin sa isip ko ang sinabi ko sa 'yo noon sa telepono. Babalik lang

