YAMINAH was almost twenty-two years old when she graduated on an exclusive college in Saranaya. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na grado sa batch nila. Proud sa kanya ang Papa niya. Bilang reward dahil sa achievement ay tinupad ng Papa niya ang hiling niya na makapagbakasyon. Napili ni Yaminah ang Pilipinas. Bago pa man rin niya nakilala si Rashid ay matagal na siyang curious sa lugar dahil sa dating Yaya at mga kasambahay sa palasyo. Plano niyang bisitahin ito sa bakasyon na iyon. Pero ang pinaka-nasabik siya ay ang pangako sa kanya ni Rashid na igagala siya sa Pilipinas. Natupad ang mga plano. Nabisita ni Yaminah ang dating Yaya na ngayon ay matanda na. May apo na rin ito. Ilang araw rin silang nag-bonding na dalawa sa bahay nito sa Batangas. Pagkatapos noon ay bumalik na siya sa May

