PERO hindi pa rin naiwasan ni Yaminah na magkaroon ng pagdududa. Pinipilit niya na magtiwala kay Rashid sa kabila ng mga nalaman niyang imperfections nito. Pero habang palapit nang palapit ang kasal nila ay hindi siya mapakali. Lalo na nang malaman niyang dalawang linggo bago ang kasal nila ay biglaang umuwi ng Pilipinas si Rashid. Ayon rito ay kailangan raw ito ng kapatid na si Rocco. May matinding pinagdadaanan daw ang lalaki. Noong una ay palagay pa si Yaminah. Pero dahil sa palaging pagpapaalala sa kanya ni Tariq ng ugali nang mapapangasawa ay hindi siya mapalagay. Tuwing mag-uusap kasi sila ng kaibigan ay palagi nitong inuungkat ang pagiging playboy ni Rashid. Ayaw maniwala ni Yaminah. Kapag magkasama naman kasi sila ni Rashid, nasa kanya lang ang atensyon nito. Pero naisip niyang g

