Habang bitbit ang mga ulam na dala ko ay nagmamadali akong naglakad palapit sa bahay namin. Ang lakas ng kabog ng puso ko ay singlakas ng kalabog ng music sa bahay namin. “Oh, Rusty, tagay!” pasigaw na saad sa akin ng isa sa tropa ng kapatid kong si Shane. Tiningnan ko ito nang masama pero ngumisi lang ang gunggong. Dinaig pa ang fiesta ngayon sa labas ng bahay namin. Tambak ang case ng Red Horse sa bawat lamesa na akala mo talaga ay nagpainom si Mayor. Napatingin ako sa pulutan nila. Litson manok at may chicharong bulaklak pa. May nga titsiriya rin na dinaig pa ang tindahan sa dami at iba’t ibang klase. Habang papasok sa bahay naming barong-barong ay kumakabog nang malakas ang puso ko. Naiiyak ako ba ewan. Hindi ko alam kung ano ang puwede kong maramdaman. At nang tuluyan na n

