KRYPTON SALAZAR “Oh my gosh, you’re so mean. But still, I want to thank you...” Napalingon ako kay Bella nang magsalita siya. “Why?” nakakunot ang noong tanong ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang unang sinabi niya. I am mean? In what way? Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. “What why?” Inilapit niya pa sa akin ang mukha niya at bumulong sa bandang tainga ko. “Come on. Kaya kitang basahin, Love. I know that you’re still into me.” Hindi ako umimik. Nakakapagod na magsalita sa kinaroroonan namin lalo pa at maingay. Nasa bar kami ngayon kasama ng mga kaibigan ko. And yes, same day of my wedding. Napabuntonghininga ako para iwaksi sa isipan ko ang asawa ko. I know, what I did is wrong. I left my wife in the night of our honeymoon. But you can’t blame me. I have my reason. Ki

