RUSTY TABALANZA Habang papalapit nang papalapit ang oras para matulog ay mas lalong tumitindi ang kaba ko. Yawa talaga! Ano na lang na ang gagawin ko kapag nasa loob na kami ng kwarto ni Krypton? Napatingin ako sa TV kung saan ang pinapanood namin ay series sa isang bayarang platform. At kahit katatapos lang namin na kumain ay may popcorn at pizza pa sa harapan namin para raw may makakain kami habang nanonood. “Ganito pala talaga kapag mayaman ka,” sabi ko na wala na naman sa sarili ko.. “What is it, babe?” Paglingon ko kay Krypton ay nakaharap na siya sa akin kaya kamuntikan na na magsalpukan ang mga labi namin. Agad sana akong mag-iiwas ng mukha pero itong damuhong ito ay kinabig bigla ang batok ko at hinalikan ako! “Kryp—” Ang sasabihin ko ay hindi na natuloy dahil ang dila niy

