CHAPTER 17

1117 Words

Nang makauwi kami ni Krypton sa bahay ay halos pagabi na. Sa tanang buhay ko ay sanay akong magtrabaho kaya yata kahit ang dami naming inasikaso kanina ay hindi man lang ako nakaramdam ng pagod ngayon. Nagpaalam na muna ako sa binata bago ako pumunta sa kwarto ko. Balak kong ako na ang magluto ng dinner namin kaya nagbihis lang ako ng pambahay, pagkatapos ay lumabas na kaagad ako. Naabutan ko pa ang isang katulong na naghihiwa ng karne kaya nilapitan ko siya. “Ano ang lulutuin mo, Martha?” tanong ko sa kanya. “Adobo,” maikling sagot niya naman. Halata sa kanya na iniiwasan niya ako. Hindi lang pala siya. Ang halos lahat ng kasambahay rito ay ilag sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit. Hindi ko alam kung galit ba sila sa akin o nahihiya lang dahil ganito sila kung makitung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD