Masayang-masaya si Deveraux habang pinupunasan ang istante ng bakery ni Aling Irma. Kanina pa sya pinagmamasdan ni Shane. Pasayaw-sayaw pa sya at nakapakat ang ngiti sa labi nya, kaunti na lang mapupunit na iyon dahil sa lapad ng ngiti nya. Kinakanta nya ang kanta ni Tootsie Guevara na ang pamagat ay MAHAL KA SA AKIN. "Ano bang masamang hangin ang dumapo sayo at abot ang indayog mo dyan kanina pa?" hindi nakapagpigil na tanong ni Shane sa kanya. Nilingon nya ito at naka-kalumbaba ito sa kanya habang nakataas ang kilay. "Bakit masama bang kumanta?" nakangiting sabi nya. "Walang masama 'don. Ang masama eh yung baka mamaya nababaliw na pala ang kaibigan ko," sagot nito na ikinatawa nya naman. "Grabe ka naman masaya lang yung tao eh," "At bakit ka naman masaya aber?" mas lalo pang tumaas

