Kinabukasan ay maagang gumising si Wes dahil sa usapan nila ni Deveraux na susunduin nya ito ngayong araw. Nakahubad pa sya ng bumangon sa higaan at nakaboxer lang. Pupungas-pungas syang tumingin sa orasan. Alas-sais pa lang ng umaga. Nagtungo sya sa ref at kumuha ng softdrinks. Nagpalaman din sya ng skippy sa tinapay na nakalagay sa ibabaw ng ref. Kagabi ay alas-onse na sya nakauwi. Matapos mangyari ang insidente kahapon ay labis na pag-aalala ang naramdaman nya para kay Deveraux. Noon lang sya nakaramdam ng ganoong takot. Sinisisi nya ang sarili kung bakit hindi nya ito nasabihan na susunduin nya ito. Paano na lang kung natuloy ang masamang binabalak ng gagong lalaki kahapon? Hindi sya nagtatakha kung bakit sya nito kilala. Pero sya ay noon lang nya ito nakita. Itsura pa lang ng

