*WES FLORES POV* Kinaumagahan ay maaga akong umalis para puntahan ang kaibigan ni Brenda. Doon kami magkikita sa bahay na syang minamatyagan ko ilang araw na ang nakalilipas, mabuti na lang at nagreply na sakin yung babae kaya nagkaroon ako ng pag-asa. Matapos kong makausap sa chat ang babaeng iyon kahapon ay halos hindi ako nakatulog sa dami ng mga bagay na pumapasok sa isip ko. Nawawalan na kasi ako ng pag-asa at ang buong akala ko ay matatagalan pa bago ko sya makausap. Mabuti na lang at mukhang dininig ng langit ang panalangin ko. Kasalukuyan akong nasa byahe at iniwan ko muna si Carina sa bahay. Oo nasa bahay sya, doon sya natulog kagabi pero hindi kami nagtabi. Sobrang kulit nya at naiinis na ako, hindi ko naman sya pwedeng itapon na lang basta-basta, nagsisimula pa lang ako sa ka

