*PAUL's POV* Alas-sais pa lang ng umaga at may kumakatok na kaagad sa labas ng bahay ni Paul. Tahimik na nilabas nya iyon at nakita nya si Brando. "Oh Brando ang aga mo?" tanong nya sa kaibigan at niluwagan ang pagkakabukas ng gate. "Kailangan kitang makausap eh," sabi naman nito. "Ano iyon? Tungkol ba kay Wes?" tanong nya. Tumango naman agad si Brando. "Oo," anito at seryosong-seryoso ang mukha. "Halika doon tayo sa loob," Nagpatiuna syang maglakad at sumunod sa kanya si Brando papasok sa loob ng bahay nya. "Wala ba ang girlfriend mo ngayon?" tanong ni Brando sa kanya. Si Lyca ang tinutukoy nito na kalive-in partner nya. "Wala sya ngayon umuwi sya sa Lola nya," sagot nya at naupo sa couch. Naupo na rin si Brando sa katapat nyang upuan. "Tanduay or Alfonso?" tanong nya kay Brando

