*WES FLORES POV* "Bakit nandito tayo sa park?" tanong ni Deveraux sa gilid ko. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at ipinarada iyon sa isang gilid. Dito kami dumiretso pagkatapos kumain. Pero bakit nga ba kami nandito? Wala lang. Hindi ko rin alam. Bumaba ako at ganoon din sya, nililinga nya ang paligid na tila sinusuri ang bawat taong naroon. Maraming tao at karamihan ay mukhang nagde-date pa. "Wow ayos pala dito ah? Puro couples. Eh di parang magjowa tayo nyan ano?" pabirong sabi nya. Nilingon ko sya at base sa sumingkit nyang mga mata ay nakangiti sya. Ngayon ko lang napansin na may kalakihan pala yung boses nya. Pffft. Parang lalaki. Lumingon din sya sakin at nagpeace sign. "Joke lang, ikaw naman," bawi nya at nagpatiunang maglakad. Sinundan ko lang sya ng tingin at muli syang l

