*ROZ POV* Alas-dos na ng madaling araw pero hindi pa din ako makatulog dito sa kabilang kwarto ni bossing. Agad akong tumayo upang kumuha ng tubig dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko, kinuha ko ang cellphone ko at isinindi ang ilaw. Pababa na ako sa hagdan nang mapansin ko na may tao sa sala. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at totoong mayroong tao. Tangina! Hindi pa din tulog si bossing? Ang akala ko ay nasa kabilang silid sya at mahimbing ng natutulog. Ibinulsa ko ang cellphone ko at mas minabuting isindi na lang ang ilaw sa ibaba. Pagkasindi ko ng ilaw ay agad kong nakita si bossing na nakayuko habang may kinakalikot na kung ano-ano. Lumapit ako sa kanya at hindi man lang nya ako binigyang pansin. Busy sya sa paggamit ng droga. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko p

