Pasimpleng napapangiti si Wes habang pinagmamasdan ang cellphone nya. Nasa hotel sya ngayon at naghihintay na lang ng oras para makatugtog na sila, wala pa ang P.A nya, ito ang mag-sisignal sa kanya kapag pinatatawag na sila ng manager at kailangan ng tumugtog. Isang Resto Bar sa Zambales ang tutugtugan nila ngayon. Mayroon syang larawan ni Deveraux na kinuha mula sa dalaga ng hindi nito nalalaman. Nakasave iyon sa cellphone nya. Namimiss na nya ito at masyadong obvious 'yon dahil di sya napapagod na pagmasdan ang larawan nito buhat pa kanina. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa non si Roz. Saglit itong natigilan sa kanya ng makita nito na pangiti-ngiti sya. Nakataas ang dalawang kilay nito at nakaawang ang bibig. Pilit nyang pinawi ang ngiti pero alam nyang nahuli na nito iyon. "

